Iyak ng iyak si baby

Hello! Pahelp naman po. 1month 2weeks na baby ko at sa ngayon nahihirapan kami intindihin kung ano gusto nya. Lagi sya umiiyak at naghahanap ng dede kahit na kakaubos lang nya ng 4oz na breastmilk at nag latch pa sakin. Hirap sya patulugin kahit na antok na sya dede parin ang hanap. Sinayaw nadin pero iyak parin ng iyak, pinalitan na ng damit at diaper pero ganun parin. Ginawa na namin lahat pero ayaw parin nya tumigil umiyak at dede lang talaga hanap. Pano po ba ito? #pleasehelp #firsttimemom

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hmmm try nyo po yung app na cry analyser bayon tas record nyo tuwing iiyak si baby para malaman nyo want nya,minsan din po try nyo syang imassage para marelax sya baka nasstress den po,or baka masama po pakiramdam ni baby kaya ganon

VIP Member

ganyan talaga sis, kahit sa madaling araw iyak ng iyak di ko apam kung ano rason, pg sa gabi dede ng dede kahit busog kaya aaging nasusuka, nung malapit na xa mag 3 months saka nawala yung sobrang iyak nya

kung ilakad nio? baby ko, ayaw niang nakatayo ung nagbubuhat sa kania, umiiyak. gusto naglalakad, titigil sa pag-iyak. kaya puro kami lakad sa loob ng bahay, maging komportable lang sia.

2y ago

kindly consult pedia para ma-assess si baby.

Hello mi ,, di kaya overfeed na c baby kase sbi mo nga kakaubos nya lang sa bagong dede nya, umiiyak parin.. my nabasa ako baka makatulong Tiny buds calm tummies. para di sya kinakabag

baka po naiinitan, giniginaw o kaya kinakabag kaya dede ang nagpapacomfort sa kanya. check nyo po baka may nararamdaman. wawa naman si baby. praying for your baby.

1y ago

ganyan talaga mi. sabi nga nila 4th trimester ang pinakamahirap sa lahat. kasi nag aadjust din si baby. 9 months sya sa loob ng tyan mo kaya nahihirapan sya mag adjust pa :) lilipas din yan at lalaki din si baby :) pray & kapit lang

Baka po may kabag. Try nyo po imassage yung tummy nya tapos tummy time nyo po sya para lumabas yung kabag. Ganyan din si baby ko minsan. Nakakatulong din po.

baka po may colic try nyo po I bicycle Yung paa nya Hanggang umutot po kc ganyan dn Yung baby q nung ganyang age Yun pla kabagin cia

TapFluencer

Mii ganyan din si lo ko nung 1month old palang sya iyak sya ng iyak hindi makatulog tapos nalaman kong kinakabag pala si baby

may colic po yan ...try nio padapain imassage po balakang i iLU massage ...ibicycle po ... ganyan po si Lo ko ..🥲🥲🥲

possible din na may colic si baby mo kung umabot ng 3hrs non stop sa pag iyak. search mo mi yung colic.