Sustento

Paano po kung biglang nawalan ng trabaho yung tatay ng mga anak ko at dahil po doon hindi siya makakapag bigay ng sustento makakasuhan o pwede po ba ako mag sampa ng kaso pag ganun.

51 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Consideration. Walang work kaya walang maisusento. Bka naman nung may work sya nagbibigay naman sya diba? Gagastos ka sa lawyer, gamitin mo na lang ang pera para sa mga anak mo. Remember, obligasyon ng nanay at tatay na buhayin ang anak, di naman palaging tatay na lang. Just my opinion. 😊

kung dati na may trabaho sya nagbibigay naman intindihin mo muna po ngayon alam mo naman po palang nawalan ng trabaho kakasuhan mo pa . parehas lang po kayong maaabala kahit kasuhan nyo po yan kung walang maibibigay di mag bibigay yan . baka po sa gagawin mo gumawa ng di kanais nais tatay ng mga anak mo gaya ng magnakaw kasi nga wala .

Magbasa pa

for me, parang wlang ikakabuti ang pag sampa ng kaso kung alam mong nawalan xa ng trabaho. wala din naman xa maibigay na sustento for now kc nga walang wala. I don't think na mkakatulong yan... it's making things complicated.. cguro naman magbibigay xa pag nakahanap ng trabaho..kung hindi pa dn that's the time kasuhan mo.

Magbasa pa
VIP Member

Nwalan po ng trabaho so hnd nya kagustuhan. Dpat bigyan nyo ng konting konsiderasyon. Pero syempre dpat pa rin sya mgbgay pro wag n po daanin agad sa pagsampa ng kaso. Pag sinampahan nyo po, edi ganon dn wlang sustento n mbbgay kasi nakakulong na.

Understandable naman po pala kaya po sya hindi nakakapagsustento. Tulungan nyo na lang po makahanap ng trabaho. Wala kasi mangyayari kung kakasuhan mo, lalo lang hindi makakapag bigay ng sustento kung makukulong pa sya.

VIP Member

Kahit walang trabaho ang ama ng anak ninyo mommy kelangan pa din ma sustentohan ang bata. Kahit hindi kayo kasal at single mom ka, puwede po kayo mag petition sa korte nito para makakuha ng sustento sa ama nya para sa bata.

Kahit kasuhan mo po mommy kung wala ka rin naman makukuha sakanya gawa ng walang work wala din . Tska mo na kasuhan kapag alam mong may pera naman siya pero ayaw talaga magbigay. 😊

Yes po mommy dapat may kinukuha kayong sustento sa ama ng anak ninyo kahit wala po syang trabaho. Kung wala kayong napagsunduan ng ama ng baby niyo, puwede po kayo pumunta sa korte at magdemanda.

Yes po mommy dapat may kinukuha kayong susteno sa ama ng anak ninyo kahit wala po syang trabaho. Kung wala kayong napagsunduan ng ama ng baby niyo, puwede po kayo pumunta sa korte at magdemanda.

Wala na ngang trabaho, kakasuhan mo pa. Konting compassion naman sis. Kausapin muna ng maayos kung paano masuportahan ang bata, wag kaso kaso agad.