Living together with my inlaws

Paano ba maging honest sa mga inlaws na hindi ko gusto na magsamasama kami sa iisang bubong. Lately I just learned na nagtatampo ang biyenan ko na babae sakin kasi nagkaroon kami ng kuwentuhan noon na ang naging labas sa kanya ay ayaw ko siya kasama sa bahay. Well, totoong ayaw ko sila makasama sa bahay ung as in permanent mga my pero ung nasabi ko sa kuwentuhan na yun ay mali ang pagkaintindi niya. Ang resulta, naglagay siya ng barrier between us which is ramdam na ramdam ko hindi ko lang malaman ang dahilan until lately nabanggit ng asawa ko dahil nagsabi daw sa knya. Going back sa ayaw ko sila kasama sa bahay ay hindi dahil sa gusto ko lang. Malalim kasi ang pinanggagalingan ko mga my. For 20 years, my life was a living hell. Hindi ko na kuwento lahat pero dati nagsarifice ako tumira sa mga relatives and work for them in exchange na makapag aral ako. Thankful ako na napag aral ako mga my tinatanaw ko na utang na loob pero ang hirap ng naging experience ko sa kanila. Lumaki akong puno ng takot, walang confidence sa sarili at laging aburido kung paano ko ma meet ang mga expectations nila. Hindi ako naging masaya ar malayang bata. But amidst all that, I did not fail them. Kahit na salat na salat ako sa pagmamahal at kalinga ng totoong pamilya, nakapagtapos naman ako with flying colors mula elem gang college and naging maganda ang takbo ng career ko afterwards. Nung grumaduate ako, I felt freedom at last. Nangako ako na pagbubutihan ko pa para in the future magkaroon ako ng mundo na ako naman abg bida. Ako naman ang magdedecide para sa sarili ko. Tutulog at gigising kung kelan gusto. Kikilos na walang pumupuna lagi at gagawa ng mga bagay na magpapasaya sakin na walang pakiramdam na fear sa sasabihin ng iba. Nangyari naman na nakalayo na ako sa kanila pero hindi ganun kadali ibaon yung mga traumatic experiences ko sa nakaraan. Nagkaroon ako ng depression at matinding insomnia nung nasa early 20s ko na later on, pinagamot ko naman sa psychiatrist. It was a long and hard battle until when I was 28, nagkaroon na ako ng asawa. Nakatulong iyon mga my, mejo naging okay na ako.nakakatulog na ng mahimbing at less na yung fear na nararamdaman ko. Nagkaroon kami ng sariling bahay at sa wakas natagpuan ko yung peace of mind ko. Until lately, na introduce yung possibility na samin titira mga inlaws ko. Parang gumuho ang mundo k mga my, yung takot andito na ulit. Madalas di ako makatulog. Napag usapan naman naming mag asawa at matagal ko na sinabi sa asawa ko na hindi ko kaya ang ganung set up. Umuuo naman siya mga my pero ramdam ko na hindi siya sincere doon. Kapag sinasabi k mga reasons ko, lagi niyang sinasabi wag mo na kasi isipin ang nakaraan at intindihin nalang daw dahil matatanda na sila. Naiintidihan k naman ang pagmamahal nya bilang anak mga my pero takot ako na mawala ang peace of mind ko. Ang dali kasi sabihn na ibaon na ang mga nangyari sa nakaraan pero sa isang tulad k, hindi ganun kadali. Mababait naman sila mga my pero natatakot parin ako. Ito ang buhay na matagal ko na pinangarap, MALAYA at TAHIMIK. Nangungupahan lang kasi sila mga my til now kasama ang panganay nila anak with his family. May business naman sila at may kakayahan magpatayo ng sariling bahay kaya di naman masasabi na hirap na hirap sila sa buhay. At meron sila anak na babae na walang asawa at walang pamilya which is siya yunh iniisip ko na makasama nalang sana nila sa bahay. Sabi ko naman sa asawa ko hindi ko kuluwestiyunin kung magbigay siya ng malaking halaga na tulong para makapagpatayo sila ng sariling bahay wag lang kami ilagay sa ganuong set up. Makasarili ba ako masiado mga my? Ano ang gagawin ko. please advice. Salamat at sorry sa long post.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka makasarili mie. qng may sarili ng pamilya then dpt nmn tlga nakabukod. mahirap kse n dlwa Ang Reyna sa Isang bhy. even sa Bible nakasult yn na dpt bukod. share ko lng, after wedding bumukod kmi ni hubby kso 3rd floor unit. nung malapit na me manganak nakitira Muna kmi sa in laws q. Ang mainam d2 hiwalay ung 1st floor sa 2nd floor nila so may privacy pa rin kming mag Asawa at in 4 months lilipat na kmi once matapos bhy. kau ng Asawa mo Ang masusunod Jan, sorry ah pero Hindi dpt pumayg si hubby mo na jaan Sila makitira kse ganyn tlga mangyayare may tampuhan, etc.

Magbasa pa
2y ago

ayun na nga my...yan ang sinasabi ko sa asawa ko na di niya maintindihan..praying nalang na sana maintindihan nila at respetuhin ang desisyon ko balang araw. for the mean time siguro magtitiis muna ako na mukhang kontrabida sa buhay nila.