Ok lang ba na ang mister nyo ay nakikipag chat sa iba pero di nmn nakikipag kita, di naalis ng bahay at di rin nakikipag barkada, walang bisyo pero gaming lang saka work.. ok na sana kaso minsan nahuhuli kong may ka chat na iba eh pag nahuhuli q naman ang explanation nya kase daw yung di nya nagagawa o nasasabi sakin na nakakawalang galang sa babae dun nya daw sinasabi, masakit para sakin, I want him to stop doing it, nag aagree sya but then ganun parin ang nangyayare paulit ulit nalang.
I asked some of my friends, some of them ay ok lang daw as long as hindi nakikipagkita kase dun daw nagkakaron ng chance na may gawin clang di dapat. Pero some of them naman ay hindi daw ok kase kahit na di cla nagkikita its called cheating padin... Kayo ba momshies? Diko na kase alam eh... I love him kaso habang pinag bibigyan q ng pinag bibigyan eh pasakit ng pasakit eh..