12W1D pregnnt here. Musta pagbubuntis nyo?

Normal lng po ba ang pag baba ng timbang 10kls na po nabawas saken. Lageng naduduwal, nasusuka at wala akng ganang kumaen. :( Gustong gusto ko kumaen ng madami kaso wala tlaga akng gana. Wala rin ako hinahanap na pagkain, inshort parang nawala sa vocabulary ko ang pagkain. Pinipilit ko lng para lang makainom ng gamot. Ganun dn po ba kau? #1stbaby #1sttimemom

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako 12w 3d today, maintain lang yung timbang ko nung nakaraang buwan. Wala din ako gana kumain pero pinipilit ko kasi kelangan. Pag nasusuka ako kumakain ako orange tas inaamoy ko yung balat nun. Nawawala naman. Pag nasuka ko kinain ko papalipas lang ako ng half hour kakain ulit ako para kay bby. Kelangan naten tiisin lahat, mas isipin na lang naten bby natin kesa satin. Kumain tayo kahit ayaw or wala tayo gana. Malalagpasan din natin tong 1st trimester. More fruits & veggies lang tayo mga mommy 😉

Magbasa pa
2y ago

mga citrus nasusuka ko din mi kse ung acid reflux ko. Kaya iwas dn ako sa mga maaasim na fruits, bale apple banana mga ganun lng. Ginagawa ko mayat maya nalang ako kumakain ng skyflakes pambawi lang din.

masyado pong malaki ang 10kg na weight loss mommy. nasabi nyo na po ba yan sa OB nyo? Ok lang po mabawasan ng timbang lalo kung 1st trimester since sa suka at walang ganang kumain. Yung sakin kasi dati halos 4kg by the end ng 1st trimester kaya sinabihan ako ng OB ko nun na after 1month at di ako nag.gain, iaadmit na ko kasi para malagyan ng swero at iv fluids.. i think mind set lang mommy, will power.. para kay baby..

Magbasa pa
2y ago

dko pa nasabi kay OB mamsh, sabihn ko nalang sa next checkup ko sa 10 . Kaya nga nagtataka ako sobrang laki ng nabawas saken . :( sana makabawi na kami ni baby.

VIP Member

nung naglilihi rin ako nun bumagsak rin timbang ko 48kg naging 42kg pero nung nawala na paglilihi ko nag-50kg na. tiis lang mi, ganyan po talaga e kaen ka pa rin para kay baby.

2y ago

pagka-4mos mawawala na po yang paglilihi

Nako same momsh wala akong gana kumain lalo kanin at ulam mas bet ko mga spag at pancit mga lugaw mga pang almusal o meryenda lang mga bet ko

2y ago

11 weeks palang mag 3months palang ako sa 16 sabi nila magkakagana nmn daw tau kumain mga 5 months ganun kasi ngayun maselan pa tau sa first trimester daw

drink fresh milk, it will surely give you stop vomiting. stopped vomiting around 9 weeks after drinking it at the day of 3 daw.

2y ago

Di rin kaya sikmura ko gatas mi :( nasusuka ako . Nag stop na rin ako sa anmum kase dinadiarhea ako dahil sa lactose intolerance.

same lng dn mami. wala gana kumain, naduduwal pag naluluto, wala gusto pagkain. umiinom lng ako ng tubig pra hndi ma dehyrate.

2y ago

12 weeks nako mi. bawi nlng dn sa milk tsaka vitamins hehe

Parehas tayoo momshyy kain ka prutas apple tapos inom ka chocolate drink .. pag di ka nakakakain bawi ka sa prutas

2y ago

oo mamsh dinadaan ko nalng sa fruits , sana bumalik na gana ko sa pagkain. San maka graduate n tau sa paglilihi.

ganyan din ako mi kada timbang ko bawas ng 1kilo 10wks and 4days pa lang ako, gusto ko na makakakain ng ayos😭

2y ago

same tau mamsh, gusto ko na bumalik gana ko kumaen, kahit anong try at pilit ko wala tlaga. Minsan nanonood ako ng mga mukbang para lang matakam ako kaso di tlaga kaya. hays! sana makagraduate na tau sa paglilihi.

ano pong pwedeng gawin sa hindi makatulog ..thanks po sa mga sasagot..

lgi pagod khit pgkain lng gngwa😅

Related Articles