Rashes

Normal lang po ba yung mga rash sa mukha ni baby ko? Bigla nalang kasi siya nag appear :( sana po may makapansin kung ano dapat kong gawin.. TIA mommies. #ShesTwoWeeksOld

Rashes
50 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Moringga po gamit ko sa baby ko malamig po un sa balat once a day lng po pag matutulog n sya nd kodin po pinaiiyak kc na dadagdagan pag pinag papawisan sya.... Nd po mahapdi c Moringga try nyo po sa inyo muna bago sa knya

Advice po ng nurse na nagpapaligo k baby nung nanganak ako huwag muna sabunin mukha ni baby kc sensitive pa Ito. Awa ni Lord never pa sya nakarashes, 2 months na c baby. Use cotton and warm water tapos punasan lang

Paconsult mo online mommy.. para Alam mo po Kung anung gamot at kung Anu po Yan, para panatag ka Rin😊.wag muna magtry Ng ibang products.. Try niyo po contact si Doc Kim Ticman Mapua po sa messanger.

Ganyan din sa baby ko dati . . Ceraklin na sabon pwd rin gawing lotion at memocorte cream gamit ko sa baby ko . Ilang days lg po nawala ung ganyan sa baby ko . Try nio rin .

hala kawawa naman. npapaliguan nyo pa sya araw araw?importante po na nllgo para maiwsan din mga rashes. saka halatng halata sa knya na init na init sya kawawa naman anak mo

Try nyo po novas soap. For babies po talaga yun, prescribed ng pedia ng baby ko. Gentle for the skin po ng baby, walang scent, colorless at matipid pong gamitin.

masyado napo madame yung kay baby mo better po dalin nyo na sa pedia kasi gnyn din baby ko pero hndi ganyan kalala may binigay kasing cream yung pedia nya

Momsh pa checkup nyo na po sa pedia for sure kung ano pwede ipahid o isabon sa baby nyo sensitive ang skin ng baby kya mas mabuti kung pa checkup nyo sya.

Si baby ko po nung 1month nag rashes din po sya sa mukha pero hindi naman ganun kalala, ang ginawa ko po sa gabi ko po sya pinapahiran ng breastmilk.

Hi mommy much better po pacheck nyo po sa pedia kasi pag sundin mo suggestions ng iba di lahat ng hiyang sa ibang bata hiyang din sa baby mo.