anu po bang magandang gawin? ang hirap kasi magdesisyon pag yung anaK ko ang iisipin ko .

#needadvice #foropenmindedposana katulong po kasi ako sa pamilya ng asawa ko , as in sinuswelduhan po ako. dito din po kami nakatira , kasama tita tito at kapatid niya . sabi ng asawa ko , ayos na rin to kasi wala kaming iisiping bayarin tulad ng kuryente bahay at tubig , at nabibili ko yung mga dapat bilhin sa anak ko. ngttrabaho din po siya dito bilang pahinante naman po ng truck nila . ngayon po , nahihirapan po talaga ako , kasi bukod sa hindi ko pi maackaso ng ayos yung anak ko , pakialamera din po yung kapatid niya . tapos yung anak ko naman po iyakin kasi gusto lagi nakadikit saken , napapagalitan po ng kapatid at tiyahin niya . gusto ko na po umalis kasi bukod sa 6k na sweldo all around po ang trabaho ko tas nagpapaligo pa po ako ng anak ng tita nila .pero iniisip ko po yung kalagayan ng anak ko kung uuwi po ako , hindi na po ako makakapagtrabaho , hindi ko na po mabibili mga kelangan ng anak ko . anu po ba dapat ko gawin.?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pag-usapan at planuhin nyo pong maigi na mag-asawa. Timbangin nyo po ano ang pros and cons ng pag-stay nyo dyan vs. pag-alis. Depende rin po kasi sa pangangailangan nyo, at ano ang kaya nyong tiisin at isakripisyo? Wala pong exact na tama o mali, kayo lang po makakasagot nyan, may kanya-kanya rin po kasi tayong priorities at pangangailangan, hindi lang po sa pera o materyal na bagay, pati rin sa ating kalusagan na mental, emotional, etc.

Magbasa pa