Open cervix at 26 weeks
Naka confine po ako ngayon sa hospital. At 26 weeks nag open na cervix ko. Kaya mga mommy pag di talaga maganda or may kakaiba kang nararamdaman. Agad magpa check up para di mapano si baby at maagapan pa. Iwasan din talaga ang mga bawal. #prayingnaokaylangsibaby #26weeks
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
Hi mga mi. Ang naging sintomas ko ay yong feeling na may mabigat sa pwerta at may mahuhulog tapos sakit ng balakang at puson. Ihing ihi ako parati pero kaunti lang lumalabas. Tapos parating basa ang panty ko. Panubigan ko na pala yon ng paunti unti may mga butas na maliliit ang amniotic sac ko dahil din sa UTI tapos nag ka fungus infection ako nakita ng pag IE which is nangyayari tlaga daw sa mga buntis kahit sobrang ingat ko, iwas sa bawal, palit parati ng underwear ska hugas parati ng pwerta. Wala padin. Naka confine pdin ako pero ma didischarge na ngayon, nasa 30k na bill for 2 days 😢 .Working kasi ako halos everyday din baka sa stress na din kaya mga mi doble ingat tlaga kasi kawawa ang baby. Ngayon complete bed rest ako hanggang 9 na buwan maiwasan lang na mapaagang lumbas si baby kasi pag nag kagon daw grabi ang gastos halos 1 to half million. Kahit tagilid bawal din kasi baka ma compress daw yong mga butas butas lumala pa. Pag may di nararamdaman na maganda agad tlagang magpa check up para maagapan. 1st time mom akonkaya kaya wala akong idea sa mga sintomas pero alam kong parang may mali. Trust your instinct mga mi. Salamat sa Diyos at ok si baby salamat po sa concern at prayers ❤️ stay healthy po.
Magbasa paKeep safe mamsh. Ingat parati and praying that you and your baby will be safe and okay until you give birth. Rest lang muna and try to stay away from stress. 25 weeks and working din ako kaya ingat na ingat din talaga sa pagkilos.
LORD have mercy ,we ask your favor upon her..Preserve her baby & completely healing the mighty name of JESUS..Amen❤️
praying for you momsh! ano po naramdaman nyo? currently 24 weeks ako ngayon at sumasakit puson ko
in Jesus name, naway maging maayos Po Ang laht. thnks for reminding us mie.
praying for you, mommy..and kay baby ❤️
praying for you 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Bkit daw pi nag oopen ng ganyan kaaga?thanks
May reply na po
praying for you and babys safety
Ano po symptoms nyo?
May reply na po.