USING EVENING PRIMROSE AT 36W4D

Hello, naisip ko lang po ito kasi gusto ko na po sana unti unti lumambot na ang cervix ko at makapanganak na po at 37 weeks, pwede na po kaya ako gumamit or magtake ng primrose? kahit di pa naman po sya sinasabi sakin ng OB? thank you po

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ask your OB for your safety. dont take anything na di si OB mo nagrecommend. wag kang magmadali na manganak.. kasi lalong tatagal yan. wag mong pwersahin sarili mo maglabor kung di pa inadvice sayo ni OB. 39-40weeks ang full term, 37weeks safe pero early term... just wait for your baby na maging ready. sya mismo ang magsasabi sa katawan mo na lalabas na sya. magchill ka lang.

Magbasa pa

hintayin niyo po ang advise ng ob mo sis kasi kahit ano pang inum or gawin para tumaas ang cm kung ang baby mo ayaw pa talaga lumabas kasi kusa naman pong tataas ang cm eh baka kayo lang din mahirapan bandang huli wait mo lang din na ie ka muna.

Pa check up ka muna po. Baka ipa BPS ka tapos depende sa result kung pwede kana mag take. Ako 36wks&5dys na now, pina BPS nako kanina at nagreseta na yung OB ko ng evening primrose.

1y ago

ah okay po, nirequest nga po ako ni Ob last check up ko na magpa BPS uli, sa monday pa po uli check up ko, don ko palang po siguro malalaman. Salamat po❣️