WARNING: Mga bawal pong i-post sa app

Nais ko pong i-remind ang lahat tungkol sa mga violations ng community rules po na parati po naming nakikita dito sa app. 1. Hindi po puwede ang business promotion o yung mga naghihikayat ng extra income, franchise, o trabaho sa app. Kasama na rin po ang mga services like mga pabili. Hindi po ito puwede dahil hindi po tayo nakakasiguro kung legit ang mga trabaho na ito. 2. Bawal din po ang pagbebenta ng gamot/supplement o gatas sa kadahilanan na ang gamot po ay dapat lamang inumin kung may pahintulot ng duktor at ang gatas po ay dapat bilihin mula sa authorized resellers lamang. 3. Hindi rin po maaaring maghikayat ng members na sumali sa mga contest sa labas ng app dahil po hindi nakakasiguro na legit ang mga ito. 4. Bagaman naiintindihan namin na mayroong mga pamilya na nangangailangan ng tulong, hindi na po namin pinapayagan ang paghingi ng tulong sa kapwa users ng app. Ito ay para makaiwas na rin sa scams. Kung tunay na nangangailangan ng tulong, sumulat po sa [email protected] at maglakip ng supporting documents (bill ng ospital, diagnosis ng duktor, etc.) bago namin i-approve ang post. Ang repeat violators po ng community guidelines ay maaaring mawalan ng posting privileges o ma-ban nang tuluyan sa app. Maraming salamat po.

WARNING: Mga bawal pong i-post sa app
75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dami na kc lumalabag s rules, report n lng ntn agad if may nakapag post ng mga bawal

tama po para sa mga nahingi ng tulong. TAP na lang ang magpost para legit.

VIP Member

Noted po☺️ up up madami din kasi akong nakikitang post na bawal pala talaga nasa rules🥺🤗

Salamat Tap.. Madami po kasi na iiscam .. Maganda po yung ganito.

Its about time na pina alala uli ito. Dami na kasing pasaway

VIP Member

thank u maam candice para maiwasan ang mga scams dto sa tap

ay sorry po.. noted po..thank you

Dapat lang. Ang dami din scam dito e.

👍👍👍👍👍

VIP Member

hay salamat 😌 thank you mommy Candice