Sino ba dapat masunod Ako o ang Asawa ko???Paadvice naman mo mga mommy.

Nahihirapan nako kung ano ba dapat kong gawin palage nalang kame nag aaway ng asawa ko gusto nya kase pagkapanganak ko dito ko sa kanila pero sabe kase ng ate nya wala kameng makakatuwang lalo na kung macs ako gusto ko sana samin kase nandun yung mama ko pero ayaw nya. bakit ganun hindi man lang nya iniisip magiging kalagayan ko syempre maganda padin yung may aalalay sayo lalo na first time namin magiging magulang lalo nako di ko alam dahil posibleng macs ako. ano bang dapat kong gawin mga momsh sundi ko sya o dun kame ng anak ko sa pamilya ko dahil ayaw nyang tumira sa pamilya ko..#1stimemom #advicepls #pleasehelp

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako mii 5months pa lang inuwi na ko ng asawa ko dito sa family ko lagi kasi ako nagkakasakit di nya ko maalagaan mabuti kasi may work sya sa inlaws ko naman wala ako maaasahan. Buti nalang mabait at understanding ang asawa ko sya na nag aadjust umuwi dito sa province namin. Advice ko sayo mii ipaliwanag mo mabuti sa asawa mo magiging sitwasyon nyo mag ina after mo manganak mahirap walang katuwang lalu na kung macs ka ☺️

Magbasa pa
3y ago

inaasikaso naman po ako ng asawa ko mii pag may sakit ako umaabsent sya pero iba kase pag nanganak na ko dalawa na kame ng baby dapat asikasuhin lalo kung cs ako hirap talaga ng walang aalalay sayo na mas may alam o marunong lalo na't first time parent lang kame kaso kahit anong paliwanag ko sa kanya ayaw nya gagawin nya daw lahat para asikasuhin kameng mag ina