11 Replies
Yan din naging worry ko nung malaman kong buntis ako, kasi syempre mas gugustuhin nating magulang natin ang makasama natin lalo pag bagong panganak tayo, para komportable maka-kilos at may katuwang. Mahirap kasi kung sa side ng asawa kasi syempre di mo naman sila pwede utusan, baka minsan magtiis na lang tayo dahil lang sa nahihiya mag approach sa kanila. Sana maipaintindi mo sa asawa mo yun, kung ayaw pa rin, hingi ka ng tulong sa magulang mo para kausapin asawa mo, kasi kung papayag ka pero labag sa loob mo, ikaw lang din mahihirapan. Baka ma stress ka pa nyan, makakasama sayo yun. Kung saan ka komportable, dapat dun ka.
actually ako nagsabi sa asawa ko na kukuha kami makakatulong ko kung d pwede nanay ko 😅 inunahan ko agad. syempre alam ng asawa ko pagdating sa ganyang bagay mas ako dapat ang nagdedesisyon. d naman sya ang manganganak nuh. pero sabi ko sakanya since wfh sya at panggabe sya e sya mag aalaga sa gabe para d ako masyado pagod. pumayag naman sya 🥰😍 maging firm ka sa desisyon mo momsh kasi mas maganda talaga na nanay mo kasama mo sa una.
Ako mii 5months pa lang inuwi na ko ng asawa ko dito sa family ko lagi kasi ako nagkakasakit di nya ko maalagaan mabuti kasi may work sya sa inlaws ko naman wala ako maaasahan. Buti nalang mabait at understanding ang asawa ko sya na nag aadjust umuwi dito sa province namin. Advice ko sayo mii ipaliwanag mo mabuti sa asawa mo magiging sitwasyon nyo mag ina after mo manganak mahirap walang katuwang lalu na kung macs ka ☺️
Dun kanalang po sa mom mo po. Much better po yon. Iba padin kasi yong magulang nating mga babae gagabay sa atin lalo na sa first time parent. Siguro mahiyain ang partner nyo po. Kaya ganun. Pero, please mommy punta ka nlng dun sa parent mo. Kung ayaw ng hubby mo, iwan mo sya jaan at ikaw pumunta dun sa mom mo. Di nmn kasi nya alam ang hirap na pagdadaanan mo kasi lalaki sya easy to say lang sa knya yan na ganto ganyan.
Kaya nga mii e. Hindi ko alam kung ayaw nya tumira samin o ayaw nya talaga sa pamilya ko ako nga ayoko din tumira dito sa in-laws ko pero nakikisama ko dahil pamilya nya tu sana yun din ganun nya at sana isipin nya magiging kalagayan ko kase mismong ate na nga nya na nacs ang nagsabe na mahirap lalo na kung wala aalalay e sya hindi nmn nya pa alam yung mga kailangan gawin
Mas ok na dun ka sa side mo mi mas comfty sa pakiramdam yung makakapag pahinga ka talaga ng maayos bukod dun alaga kapa at si baby hndi biro yung manganak kailangAn talaga mAy katuwang ka lagi lalo na kung 1st time mom ka palang at ang mas mahirap dyan is yung postpartum Png 2nd baby ko nato kaya danas ko na talAga sa una mahirap talaga pag paligo plang sa newborn nakakatakot na
Kaya nga momsh kaso hindi ako maintindihan ng asawa ko pinipilit nya na dito nalang daw kame sa kanila kaya palage lang kameng nag aaway naistress nako
doon ka sa mas comportable ka mamsh. yung alam mo may titimbang sayu sa baby mo.Mas mabuti na kasama natin yung mga taong alam natin na safe tayo ni baby. wala ba work hubby mo? kung di nya magampanan pagiging ama nya dun ka muna sa inyo . mahirap mg alaga ng anak lalo na kung ikaw lng. sobrang stressful lalo nat first time mom ka.
may work mii kaso hindi parin nmn sya marunong mag alaga kase nga first time parent lng din kme
mahirsp ksi pag may baby na tska iba ang alaga ng magulang kung ksama mo sila may katuwang may nagpapayo ng mga dpat mong gawin para kay baby. mhrap dn ksi kapag sa family ng hubby mo d k namn nila maalagaan tulad ng pag aalaga ng magulang ntin stin. mas better na sa inyo ka.
Yun nga mii yung sinasabe ko sa asawa ko kase di nya ko naiintindihan hindi man lang nya iniisip kalagayan ko.
Sabe nya sya nalang daw mag aasikaso samin hindi ko nalang ipipilit kung ayaw nya palage lang kameng nag aaway mahirap ng mastress momsh baka mapaanak ako ng wala sa oras basta sabe ko pag nahirapan ako uuwe ako samin
Hello. Kung sa tingin mong mahihirapan ka at hindi ka maaasikaso ng husband mo, at poor ang decision making niya pag dating sa kalagayan mo, doon ka sa parents mo.
kaya nga po e di nya kase naiisip magiging kalagayan ko mas magiging mahirap pa nmn kung cs ako
Iwan mo sya jan sknla. Don k sa parents mo. Dahil di k din nya maasikaso lalo n kpg me work n sya uli. Ikaw lng mhhrapan.
Sabe nya di daw sya papasok e hindi pwedeng palage syang hindi papasok
Anonymous