Bawang para sa aswang. πŸ˜…

Naglalagay din po ba kayo ng bawang sa tyan nio mga mamsh? para iwas aswangin daw. hihi. wala namang mawawala kung maniniwala tayo basta maging safe lng si baby.πŸ’• #5mnths preggy. #pregnancy

Bawang para sa aswang. πŸ˜…
82 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako hindi ako naniniwala sa ganyan actually natutulog pa ako magisa sa kwarto ng bukas yung bintana hahaha pero iba iba talaga paniniwala ng mga tao. Oks na yan para sure na safe ka

okay po yan, kasi sa mga probinsya marami asawang at hindi lang probinsya yung iba nasa manila narin, ako nakalagay lang sa unan at sa bintana at my nakasabit din na panguntra. 😊

skin bala binili namin sa mga ate nilalagay ko sa damit ko..dito naman s loob ng bahay ngsasabit kami ng bawang at asin na nilagay sa telang itim nilagay sa mga pintuan at bintana

Ung pastor namin d naniniwala sa multo pero possible daw n totoo ang aswang , nasa bible .... 5 months din ako, bawang asin luya nakabalot sa pulang tela tska May bala din πŸ˜….

Di ako naniniwala Jan dati pero Nung kabuwanan ko na may dumadalaw na sakin Kaya tudo saboy Ng bawang at Asin sa palibot Ng bahay Ang asawa ko pati sa bubong meron na din 😁

hahaha.. oo naglalagay ako lalo na pag lalabas ng bahay kasi bilin ng byenan ko.. pag di ako naglagay pinapagalitan ako.. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ pero wala naman masama sumunod hehe

ako sa bintana lng din since gabi na uuwi asawa ko nag lagay ako sa bintana ng kwarto nmin minsan ksi nttakot ako nkka praning pag may nririnig akong kaluskos πŸ˜‚πŸ˜‚

Hi po buntis po ba or may sakit lang ako? Kasi po may tumitibok sa tyan ko sa taas ng pusod diko po alam kung may sakit ako dahil yun po ang lumabas noong nag search ako

4y ago

mag pt ka pra alam mo kng buntis ka or hinde hindi kmi manghuhula dito

ako gnyan din pero nakaperdible ung bawang sa damit q hehe wla nmang mwawala kng paniwalaan mga cnsabi ng mga mttnda lalo na kng ung lugar mo eh may kakaiba πŸ˜‚

VIP Member

Di ko to alam kaya di ko rin ginawa since nasa NCR din naman ako kaya wala naman sigurong aswang. Pero wala naman talagang mawawala kung gagawin mo😊