Palabas ng sama ng loob.

Nagkakilala kami ng partner ko sa work ko before. Team leader siya ng kitchen department namin ako naman, staff lang ng dining department. He's 28 and ako naman 24. Nung di pako nabuntis, nabibigay ko lahat ng naiisip kong ibigay sa knya. Nabilhan ko siya ng bagong helmet na worth 8k plus (for his safety kasi sira sira na helmet niya), nabibilhan ko siya ng clothes even briefs lahat branded, gamit sa bahay including yung groceries kasi walang kalaman laman bahay niya , nag aaya ako kumain sa mga restaurant (ako nag babayad since ako naman nag aaya) may ipon po kasi ako before kaya nabibigay ko mga yun dati. Bukal sa puso ko lahat ng binibigay ko sa kanya. Dec. 31 2021 nalaman kong buntis ako sinabi ko sa knya agad. Need kung mag resign since bawal yun sa company namin. We lived separate sa taguig ako nakatira (family house namin) partner ko naman sa inuupahan niya sa muntinlupa . March 2022 nag resigned nako (3 months preggy nako nun) Nung nabuntis ako ang ipon ko na lang ay nasa 100kplus so nag isip ako (siya walang ipon, kasi binata ii nakilala kong laging nag iinom, nag yoyosi, mga gamit niya mga branded, bumibili ng skin sa ml, nag papadala din siya sa side niya since siya ang panganay pero di naman kalakihan yung pinapadala niya. Nag isip ako nun at nag sabi sa kanya na mag ipon siya gamitin niya yung isang card ko para makapag ipon siya, binigay ko sa kanya yung isang atm card ko para maka ipon nag usap kami since ako ang may pera ako na ang bahala sa monthly check up ko, vitamins ko, laboratory ko, ultrasound ko, pati needs ni baby pag labas, tapos sinabi ko na siya bahala sa gagastusin sa pag aanakan ko . April 5 2022 1am na hospital ako (sumugod ako sa hospital mag isa kasi di ko kaya yung sakit ng ulo ko at natatakot akong uminom lang ng gamot sa bahay baka mapano yung baby ko sa loob ng tiyan ko) It's a private hospital, kinabukasan nung lumabas yung result ng mga laboratory ko. Na-diagnosed ako ng UTI, Covid (Mild) and low blood (need ko ng 2 blood bag for transfusion since mababa ang dugo di ko kayang bumangon kahit uupo lang sa higaan ko sa sobrang hilo.) april 6 ng umaga ko na nasabi sa partner ko na nasa hospital ako that time may pasok siya sa work niya. Nag worry siya malamang at baka mapano anak niya. Sabi ko naman ok siya mayat maya chini-check ng assigned nurse sa room ko after a week na naka confine mag isa sa hospital, billing na ako din nag lakad sa cashier umabot ang bill ko 198k yung mama ko sumagot (nasa abroad siya) mga kapatid ko may mga sarili ng pamilya that's why wala akong kasama sa hospital. Umuwi ako sa bahay namin with the help of our barangay ( nag padala sila ng ambulance sa hospital para ihatid ako sa bahay) after ko maka recover nun start nako bumili ng mga gamit ng baby ko (as in lahat binili ko) yung philhealth ko inupdate ko ng hulog monthly para mabawasan pa bill ko pag nanganak ako, sss ko hinulugan ko din yun ng 2600 para malaki makuha ko sa matben ko, ginawa ko yun para di ako maging pa bigat sa partner ko. Aug. 26 nanganak ako mag isa via normal delivery may work siya nun di nako nag sabi na sumasakit na tiyan ko nun kasi baka mag mabilis mag patakbo ng motor papunta sa lying in (mas pinili ko sa private lying in para maliit lang babayaran n bill ng partner ko) umabot lang ng 8k binayaran niya (unang gastos niya sa sakin) after ko manganak nag lived in na kami nag leave siya 3 days para matulungan ako since malaki yung tahi ko. Matben ko 70k nakuha ko nun nagpabili sya ng bagong cp at nike na shoes umabot ng 20k nagastos sabi ko yung 50k illgay ko sa atm namin para may pera kami incase of emergency may magagamit kami. Fast forward... Lagi na kong naiinis sa kanya. Sobrang clamsy kasi niya kumilos nagigising yung anak ko lagi. Nahuhulog lagi yung kutsara, takip ng kaldero (open area lang yung bahay na nirerentahan niya walang kwarto kaya rinig na rinig tlaga pag may nahuhulog) amoy yosi pa siya lagi pag papasok ng bahay nagagalit ako kasi baka mamaya maamoy ng anak ko iniiwas ko din anak ko sa ganun kasi baka mag ka pneumonia, puro cellphone lang imbis makipag bonding samin, puro laro sa ml, Pati sa pag lalaba ng damit niya, pag huhugas at pag luluto di siya nag kukusa (bagong panganak ako niyan) lagi akong nag sasabi sa knya simula nanganak ako until now turning 11 months na anak namin lagi na lang daw ako galit,lagi na lang daw ako nag rreklamo. Ubos na kasi pasensya ko saknya, kanina minura niya ko pasok niya sa work 5am kaya gumising na siya ng 4am bumangon ako para handaan siya ng almusal at kape, binuksan niya yung ilaw ng sala namin kaya pagising gising anak namin pinatay ko yung ilaw at bukas naman yung sa cr kaya maliwanag padin nagalit siya sakin kasi kumakain daw siya nag sabi ako na nagigising anak namin tas minura niya ko, binuksan ko na lang ulit at tumabi nko sa anak ko tinapik tapik ko. feeling ko tlaga wala nkong kwenta sa knya kasi wala nkong pera. When it comes to gastusin sa bahay tumutulong ako sa paraan ng pag titipid (di ako kumakain ng almusal at tanghalian, sa dinner na lang kasi nanjan partner ko obligado akong mag luto) nhihirapan ako makatulog araw araw sa sama ng loob. Yan na lang iniisip ko lagi, ganyan ba tlaga ang tao kapag wala ka ng pakinabang. Ganyan ba mga partner niyo? Need ko bang unawain pa siya lalo?.. Time check 5am na haha sa sobrang sama ng loob ko sa partner ko knina di nako nakatulog, nakatitig lang ako sa anak ko ngayon. Baka po itatanong niyo bakit wala akong work ( wala po kasing magbabantay sa anak ko sa ngayon gustuhin ko man mag trabaho pero wala akong mapag iiwanan)

2 Replies

Hindi yan ang itatanong ko sayo. Ang tanong ko, bakit ka nagtatyaga dyan sa partner mo? Palayasin mo yan o ikaw ang lumipat. Sa nabasa ko eh malakas ang loob mo. Kaya mo mabuhay ng wala siya. Walang dahilan para murahin ka, dapat nga alagaan ka din niya, hindi puro ikaw. Bastos yang ama ng anak mo. Wala naman siyang silbi pero siya pa maangas. Kung magtitiis ka dyan, kakalakihan ng anak niyo na normal yung ganyang klaseng pagsasama. Yan ang magiging model ng marriage sa kanya. Gusto mo ba yun?

Ate, nakaya mo magbuntis mag-isa kahit wala kang work. Kaya mo rin siguro palakihin anak mo na wala sya. Pag ganyang burden pa yung ama kesa maging partner, parang mas okay na na humiwalay ka. Prioritize your mental health. And prioritize your baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles