7 mos ftm nabuka ang matres

Nag pa check up ako kanina akala ko good news. Eto pa naman ang fear ko yung mag premature labour. Napansin kasi ng dr na parang hirap ako mag lakad sabi ko mabigat po kasi sya. Tas tinanong ko na din if normal lang ba na pag nagalaw yung bby nararamdam ko sa pwerta at pwet ko. Pag IE nya sakin sabi medyo nabuka daw ang kwelyo ng matres may mga pics sya pinapakita pero para akong lutang dun sa narinig ko kasi natatakot ako mga mi. Bukod sa ang na ca lang ng mister ko e saktong 100k pang cs at pang bayad ng utang sa mga nagastos ko habang buntis. Niresetahan ako ng pampakapit for 2 weeks tas injection 2x. Nag pa uti test na nadin ako kanin nega naman. Naiiyak ako habang nag aantay ng result ng urine test ko kasi iniisip ko san ba kami kukuha nung pambili ng pampakapit na 59 pesos isa at need ko 56 pcs plus yung isoxsuprine pa at mga vitamins ko. Sinabihan ako wag ko daw hawakan ang tyan ko at mag pahinga. Puro ako higa super bedrest na ako. May 2 mos pa akong aantayin. Iniisip ko paano ako tatae 😅 takot pa naman ako tumae kasi nga yung utak ko puno ng worry na baka bigla akong mapaanak. Lalo na at nalaman kong nabuka sya. Pag nag 1 cm daw ako i aadmit daw ako ng ob ko eh ang mahal sa hospital nya 80k cs. Meron na akong nakita na medyo mura kaso kung ayun nga ganun mangyayare pero wag naman sana. Hay naku naloloka na ako mga mi. 1st baby ko to 11yrs namin inantay 36 yrs old na ako. Normal preganancy lang sana ang hiling ko pero parang di talaga para sakin.

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

prayer lang sis take mo yung medicines mo at kausapin mo si baby wag mo muna isipin yung maCS, basta unahin mo si baby na safe sya. Be positive inantay nyo yan eh.

6mo ago

ahh di naman ako dun sa cs natatakot kung di mapaanak ng maaga

San na ob yan sis? Bakit ka iccs? Sino nag decide na ics ka?

6mo ago

high risk ako dalawa matres

VIP Member

ano pong pampakapit ang reseta sa inyo mamsh?

6mo ago

same ng gamot ko kya lng d ko ntuloy. inallergy ako

praying for you and your baby's safety po😇

6mo ago

ty mi