Nagdadalawang Isip

Hi momshies kamusta po kayo at Good Evening sa lahat! This December 31 my Partner and I will have our intimate wedding a very simple one dito sa bahay. And habang palapit ng palapit yung days parang gusto kong umatras. Ewan ko feeling ko in the long run hindi ako magiging happy ๐Ÿฅบ hindi ko alam why do i feel this way. Mabait naman hubby ko hardworking Thoughtful naman at maalaga lalo nat 6 months akong preggy. Pero siguro nagkaka ganito ako dahil sa nakikita ko sa knya hindi pa talaga xa totally ready for marriage. His 27 and im 35. Nasasabi ko kase prang ako lang yung excited mag prepare sa wedding ako na nga naghhanap ng wedding ring ilang days na nga lang pero wala pang maayos na preparation. Siya busy xa kaka panuod ng reviews ng gusto niyang phone na bibilhin though di ko naman pinagbabawalan yung gusto niyang reward for himself pero sana naisip niya na ikakasal kame at mapapa gastos pa kame kahit simpleng union lang magaganap. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang priority niya. Minsan napapaisip talaga ako na sana hinde na lang ako ng decide na mag magpakasal kame or what kaso na pressure lang din kase ako sa family ko kase buntis ako at pra na rin ma legalized pagsasama namin since live in kame at pra magkaroon ng benefits si baby lalo na sa panganganak ko. Hays help me im really confused. Hinde na ako masaya ngayon pa lang. ๐Ÿฅบ

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Permanent, life-long commitment po ang pagpapakasal. Kailangan po malinaw kung bakit niyo gustong magpakasal sa isaโ€™t isa. Kapag nawala na ang love, nawala na ang spark, gusto mo pa rin ba siyang makasama hanggang sa pagtanda? Wag po kayong magfocus dun sa short term advantages na pwede niyong makuha mag-ina kapag kinasal kayo. Dun po kayo tumingin sa panghabambuhay. Also, communication is key. Kung ngayon palang na bf/gf kayo hindi mo nasasabi sakanya yung mga gusto mo at hindi ka niya naiintindihan, mas lalala pa yan kapag mag-asawa na kayo. Yun muna solusyonan mo sis. Ang pagpapakasal anytime pwede yan gawin, no need to rush.

Magbasa pa
2y ago

Kaya lang sis complete na requirements namin. Tapos lahat expected na sa union namin sa 31. Kagabi nga nag chat ako ng super haba sa kanya. So kninang morning nag sorry siya sa akin. Yes really COMMUNICATION is the key. So i will make sure later kakausapin ko xa. Kase hinde ko talaga maramdaman sa kanya yung eagerness at excitement na magaganap. Hinde ko alam kung dala lang ba ng pag bubuntis tong nararamdaman ko pero sana maayos before the wed. Thank You Momsh for your thoughts and advice ๐Ÿ˜Š

Kung hindi ka masaya ngayon pa lang wag mo na ituloy kesa magsisi ka kung kelan kasal na kayo. Wag mo pahirapan sarili mo.