Not necessarily mean yung pagtulog sa tanghali e nakakamanas, kun'di yung buong araw ka nakahiga at natutulog esp 2nd tri to 3rd tri ka na. Okay lang matulog sa tanghali (lalo na during 1st tri mo, yun yung time na super pagod ka kahit wala kang ginagawa dahil starting stage oa lang ng pagpapalaki kay baby). But the reasons behind ba't nagmamanas: 1. Pag buntis, merong 'relaxin' na narerelease sa katawan natin,causing na lumambot lahat, joints (even our mga ugat) so pag mas relax ang mga ugat, mas maraming maiipon na fluid/ tubig 2. Nagiipon ng tubig ang katawan natin (as common mechanism ng body during pregnancy) para sa baby.. di kasi pwedeng madehydrate ang buntis, nakakasama sa health ni baby. Kaya mapapansin nyo, pag nanganak, pawis na pawis at init na init at ihi ng ihi. Dun na kasi yung time na nagrerelease yung katawan natin ng mga naipong water, since nakalabas na si baby. 3. Pwedeng mataas ang iyong blood pressure. Kaya panatilihing maganda ang blood pressure. Everyday check kung maaari. 4. Since ang katawan ng buntis ay naghohold ng tubig sa katawan, pag mataas ang asin mo (sodium) sa katawan, lalo lang po dadami ang tubig (nag-aattract kasi ng tubig ang asin). Kaya sinasabihan po na limitahan ang pagkain ng maaalat 5. Madalas nakaupo/ nakatayo/nakahiga. Pwede pong maglalakad, swimming, o mild exercise, lalo na kung di naman maselan magbuntis -Nurse
pag lage daw po tulog ng tulog and salt intake
Kryztal Gonzaga