Panic Attack / 3months postpartum
Hi mommies! Sino dto naka experience ng panic attack? My first time was 2021 pa kasagsagan ng pandemic, nag take ako ng anti anxiety pills kasi ilang araw ako di makatulog dahil sa nerbyos at kung ano anong worries pumapasok sa isip ko that time until nabuntis ako sa 2nd baby namin so nagstop ako sa medication last july 2022. Then nung monday naexperience ko uli. Dala na din siguro ng pagod at puyat sa pag aalaga ng toddler at baby pati gawaing bahay at ung guilt na wala kang tulong financially kasi di pa ko makapagwork at wala pang makuhang helper. # Ung feeling na bigla ka nlang kakabahan tas manginginig ka at manlalamig at kakapusin ng pag hinga. Ngayong araw lang ako medyo umokay okay. Importante talaga na may katuwang sa pag alaaga at wag sagarin ang sarili natin sa pagod kasi nakaka trigger ng anxiety pag over stimulated tayo. Box breathing and mindfulness turo saken ng doctor na nakausap ko. May nabasa din ako na makinig ng schumann resonance sa youtube for grounding/earthing. Okay din na may nakakausap tyo at kapalitan sa pag alaga. Kayo mommies ano ginawa nyo kung naka experience na kayo ng ganto?
Mommy of 2 lovely little girls