Maliit daw tyan ko sa 7 months

Mommies maliit ba talaga para sa 7 months ang tyan ko? Ang dami kasing nagsasabi eh nakaka offend na minsan :((( #pregnancy

Maliit daw tyan ko sa 7 months
116 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alam mo i feel you momsh, as long as si ob ang nagsabi na okay naman ang size ni baby dun ako maniniwala. Nakakaasar kasi yun iba mema. Pag sobra naman laki, may masasabi din. Hayyyy

mas maliit pa tyan ko sayo nung 7 months ako. now, 34 weeks na ko at biglang laki at bilog ng tyan ko. as long as healthy si baby di na nagma-matter kung maliit o malaki ang tyan.

Hindi po masusukat sa tingin yan .. depende po kasi sa katawan .. ako po maliit lang din pero feel mo yung bigat nya sa loob .. yung iba kasi sadyang tumataba lang ..

Momshie sakin din maliit tiyan ko nung 7 months parang pacute lang tapos payat pa ako pero pagtungtong mo 8months bigla po lalaki pa yan promise mas tatakaw ka rin po nun😆

Its okay, not all the babies are similar when it comes to size. and to my opinion naman po mas okay ng maliit pa si baby sa tummy mo para hindi ka mahirapan ilabas sya 💖

sakin nga 8mos na tiyan ko .ay sabi na maliit pero di ko cla pinansin ..basta sabi ni ob healthy c bb sa tiyan ko..at wala din daw yan sa laki o maliit ang pag bubuntis..😊

okay lang yan mommy mas maganda nga eh para sure na mainormal mo tsaka hnd sa loob pinapalaki ang bata sa labas. Hayaan mo nlng mga sinasabe nila. You're doing great mommy!

TapFluencer

don't be offended momsh kc mas maigi ang maliit ang tyan kaysa malaki as long as healthy kau ni baby.. at ok c baby sa tyan mo... may mga gnun talagang tao...

Okay lang po yan, ganyan din po ako nung buntis ako, as long as healthy si baby. Panget din po masyadong malaki ang tiyan kase lawlaw po ang tiyan after makapanganak.

Wag ka ma offend sis, gnyan tlga.. Ako naman laging sabi sobrang laki ng tiysn mo sa 7 months bka daw mali bilang ko. Pero kere lng may masasabi at masasabi tlga ang tao