LATE NALAMAN NA BUNTIS

Hello mommies. Late ko pong nalaman na pregnant ako kase 17 weeks na pala nung nagpa ultrasound ako at 19 weeks na kung based sa LMP. Wala po kase ako naramdaman na symptoms, pagsusuka, hilo,cravings wala talaga. Meron lang yung lagi ako inaantok sa tanghali pero i thought normal yun kase lagi ako puyat. Hindi kase lumaki tyan ko at akala ko bilbil lang. Nagsimula na lang magpakita baby bump ko nung nalaman kong buntis ako... Then during my first trimester marami nangyari sa akin . Nagtitake ako ng gamot kase lagi ako trangkaso at sipon that time tas lagi pa softdrinks at kape. At ang pinakaworst ay on my 13-14th week cguro ay na-attempted rape ako at dahil lumaban ako ay napuruhan ang tyan ko talaga ... Kase kinabukasan masakit talaga tyan ko at buong katawan pero hindi ko alam na buntis na ako that time.. Because of that nagwoworry ako for future defects ng baby boy ko kaya gusto ko sana magpaCAS .

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply