Flat Head, Dermatitis, Depression

Hello mommies, i need your advice po. Yung baby ko flat head. As in severe po. He's 4months old, may pag asa pa po ba ito? Sobrang naiistress na po ako. May dermatitis din po sya na dumadagdag sa stress ko pati yung mga kasama sa bahay namin nakakastress din na parang kulang nalang ay sabihin na wala akong kwentang ina, which is totoo naman po talaga alam ko naman po iyon. Sobrang hirap po ng nakikitira sa biyenan pagkatapos ay ikukumpara ka sa isang manugang nya na kasama din namin dito sa bahay na may dalawang anak na din. Ang hirap, first time mom po ako. Help me po, nasa point po ako ngayon na gabi gabi kong iniiyakan lahat ng to. Minsan parang gusto ko nalang mawala😭#advicepls

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

relax lang momsh. first is hanap ka ng solusyon. napa check mo na ba? may advise na ba pedia mo regarding sa flat head nya? nabigyan na ba sya ng gamot for dermatitis? or kung hindi nagwowork yung advise nag try na ba ng ibang solution? mahirap kasi momsh kung nagwoworry pero wala naman ginagawa para magamot or maging maayos si baby. naaayos yan momsh focus ka nalang muna dun hayaan mo na muna yung sasabihin ng ibang tao. talagang may masasabi at masasabi sila. yung sa flat head dapat pa side yung ulo, ipalit palit mo dapat hindi laging sa iisang side. hindi dapat naka diretso yung ulo kasi mafaflat head tlaga sya. tapos massage mo lang. yung sa dermatitis may gamot jan momsh kung di okay pareseta ka ng ibang gamot.

Magbasa pa
2y ago

ginawa ko na po yang mga yan. about sa dermatitis nakailang derma na din po. gagaling ng 1week pagkatapos babalik na naman.