Week 22
Hello mommies, I am 22 weeks pregnant. Madalas ako mag iisip ng mga bagay like, "what if di normal si baby ko?" "pano kung may sakit sya?" Nakakabahal pero minsan po sumasagi sa isipan ko ang mga bagay na ganito. Meron po ba dito nakaka experience ng ganito? Paano po iwasan?
Just think positive at eat nutritious food...most of all just pray and pray for u and for ur baby's health and safety..God will good🙏🙏🙏
Normal yong thoughts mo...kse ako din sumasagi din sa isip ko yan...pro dapat gawin natin lahat pra maging healthy si baby...and prayers po..
Same here mamsh. Pero pg ngppray ako nwawala na ang takot ko kasi alam ko di kme papabayaan ni God. Think positive and prayer always po.
same mamshn pray lang po lagi and kausapin mo lagi si baby mo. d naman maiwasan mag isip ng ganyan hehe. think positive lang😊
Same here nag aalala minsan pero positibo lng iniisip ko walang sakit malusog sya Lalo pag ngpray nako nawawala worries ko
Normal lang yan sa mga buntis. Ganyan din ako dati nun may time na napapaisip ako ng ganyan. Pero pray ka lang palagi sis
Ako din napapaisip ng ganyan, pero pinagdarasal ko pa din na sana maging healthy si baby and walang kulang sa kanya.
Think positive lang mommy, lagi mo nalang pakiramdaman si baby kasi pag active siya meaning healthy po siya 😊
Ganan din po aq nun buntis pa q, kung ano ano naiisip q..nagppray lng aq n sana normal c baby at healthy..😊
Same here nung mga first trimester ko, now di na masyado. Pray lang tayo na maging okay babies natin 😊