tAp Mommy Hacks!

hi Mommies (and Daddies na rin)! We need your mommy hacks! Meron ka bang mga kakaibang technique para maging masaya ang inyong bahay? Puwedeng tips sa pagtitipid or pagiging wais. Maaring mga kakaibang combination para sa masarap na recipe. Kahit anong panalo na Mommy tips/hacks! Every good hack will get 200 points. Pipili din kami ng tAp Mommy Hack na magwawagi ng 2000 points every other day. Salamat po!

tAp Mommy Hacks!
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy Hacks for Food Items: 1) Gulay - Ibalot sa paper towel lalo na ang mga leafy vegetables bago ilagay sa zipped lock or resealable container para hindi agad mabulok. Kayang tumagal nito nang hanggang dalawang linggo. Isda - Para tumagal ng hanggang tatlong buwan, hugasan maigi at alisin ang lamang loob, pagkatapos ay asinan bago ilagay sa freezer. Karne - Bago ilagay sa freezer, hugasan at patuluin muna para mawala ang dugo. Gumamit ng container or zipped lock para hati-hatiin na ang karne. Mas maganda na nakaportion na ang nabiling karne para tama lagi ang sukat nang ihahandang putahe. Itlog - Hugasan at itabo sa chiller para tumagal ng anim na linggo

Magbasa pa