tAp Mommy Hacks!

hi Mommies (and Daddies na rin)! We need your mommy hacks! Meron ka bang mga kakaibang technique para maging masaya ang inyong bahay? Puwedeng tips sa pagtitipid or pagiging wais. Maaring mga kakaibang combination para sa masarap na recipe. Kahit anong panalo na Mommy tips/hacks! Every good hack will get 200 points. Pipili din kami ng tAp Mommy Hack na magwawagi ng 2000 points every other day. Salamat po!

tAp Mommy Hacks!
44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako since medyo maulan na, nagiipon ako ng tubig na galing sa ulan. may tubo na naka konekta sa may alulod na nanggaggaling sa bubong ang tubig then deretso sa drum para mas marami maipon. since malinis naman ung bubungan namin malinis narin kahit paano ung tubig na naiipon. ipinang didilig ko yun sa halaman namin mas magnda kasi walang chlorine. kung mahaba ang oras ng pag-ulan at malakas mas marami akong naiipon. marami akong napag gagamitan at hindi ko na kelangan pang magbukas ng gripo at umandar ang metro ng tubig 😃 laking tipid sa bayarin, eco friendly pa 😉

Magbasa pa