Income-generating ideas for mothers at home
Hello, mommies and daddies. Any ideas po how to earn extra while at home preferably online po? Currently 31 weeks pregnant and di ako mapakali kase I want to earn extra money din para at least man lang may maipangbili ako ng ibang needs din namin. Good provider and responsible naman po si LIP, parati niya priority kung ano yung mga importante, halos di na nga siya makabili ng bagong tsinelas o isang pirasong damit man lang. Pero yung sinasahod niya kase is kaltasado since nakapag-advance kami sa company nila last July dahil kinailangan niyang ma-operahan. 4k lang natatanggap every 10th at 25th of the month. Apart from that mayroon kaming binabayarang interest monthly aside sa company kase umabot ng 300k gastos for his hospitalization and operation, upa pa ng bahay, water and bill sa kuryente, meds ko pa at daily expenses namin. Naawa nga ako kase di pa siya fully-recovered eh nag-trabaho na siya agad. Parati pa niya binabanggit na kung di daw sana siya na-disgrasya eh may gamit na baby namin ngayon at may ipon na kami, nabibigay daw sana niya lahat ng kailangan ko. Kaya medyo nagui-guilty ako na wala man lang akong maiambag, di rin naman ako makapag-luto ng pwedeng ibenta dahil manas na mga paa ko at bumibigat na din ang tiyan. Gusto ko lang kahit may pagkakitaan ng kaunti para man lang di na niya problemahin ibang needs ni baby at kahit papaano gumaan² sitwasyon namin ngayon. Salamat🙏