Damit ni baby

Hi mommies, baka may alam kayong bilihan or kahit online shop na trusted na pwedeng bilhan ng damit ni baby. 3hrs pa kasi byahe ko papunta sa divisoria para makabili ng damit ni baby eh hindi ko na kaya bumyahe ng malayo lalo't motor lang ang service namin. Nakabili na kasi ako ng baru baruan 2x na online kaso nadisappoint lang ako kasi hindi naman cotton at sobrang nipis ng tela. Nagtry na din ako maghanap sa tiktok at shopee kaso nakita ko sa mga review may manipis na tela, hindi cotton or may sira naman. Syempre kahit naman sino satin gusto ng makakatipid at quality lalo na kapag si baby ang pinag uusapan. Plss respect my post po ty! #TeamFeb2023 #firstTime_mom #33weeks

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Anong sizes ba yung binibili mo na clothes? To be honest, wag kana masyado bumili ng nb clothes kasi saglit lang nila yan susuotin. Kung may atleast 10 pairs kana from the "rejected" quality you bought, okay na yan. Tapos bumili ka nalang ng for 3-6 months na damit. Kung gusto mo ng quality, Sm talaga. Or check reviews ka ng previous shoppers if online shops. Tingin ka sa mabababa na reviews na binigay, usually ayun yung mga honest reviews at d tinamad.

Magbasa pa
2y ago

tig 4 pairs lang na baru baruan meron ako now at ayaw ko na dagdagan. pang malalaki na gusto ko bilhin sunod

TapFluencer

Hi Sis, sa online lang din ako nakabili ng damit ni Baby. Team Feb din ako. Ito yung shop baka lang gusto mo ding icheck. https://s.lazada.com.ph/s.gqbyN

2y ago

sabagay, may iba kasi talaga na di ok. pero ok na ako sa product nila. konti lang din binili ko meron silang pang 3-6 months nakacart na din. hehehe.