Working while pregnant

Hi mommies. Ask ko lang sa mga nagwork or working pregnant moms natin kung hanggang ilang months ng pagbubuntis kayo nagwork and ano work nyo? ☺

218 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagleave n ako at 35th week. Threatened preterm labor. Tagtag kasi ako kakalakad sa bgc di uso ang jeep at 3rd floor pa ang apartment unit namin sa makati. Pinauwi n ako ng husband ko sa province para magpahinga bago manganak.

Ako po tumigil sa work nung 40 weeks na ko. Due date ko March 2, Feb. 26 ako nagleave. sa office ako nagtatrabaho sa makati. medyo tagtag pa ko nun kasi hirap sumakay dun. Kaya layo ng nilalakad ko para lang makasakay pauwi.

Sa Eldest ko hanggang 39weeks pumapasok ako. BPO ang work, nightshift and comute papasok sa office. Minsan lampas ng 12hrs ang shift ko. Sa mga sumunod ko na pregnancy since high risk 5 months pa lang hindi na ako nagwowork.

Wow galing nmn po. Sana ako din. nakunan kasi ako sa una dahil layo ng byahe ko araw araw, from Cav to QC vice versa. Pero sabi doctor dahil sa chromosal abnormalities. Di kaya related ung byahe din sa pagkakunan ko? Salamat po.

6y ago

Siguro factor din un. Dahil sensitive magbuntis hanggang 3m. Masyado ka napagod at natagtag sa byahe.😐

At 36 weeks leave na ako kasi baka daw magpre-term labor ako eh byahe pa ako uwi ng province via plane. if di ako umuwi, maybe at 37 weeks na ako nagleave, sayang kasi leave. gamitin na lang if andyan na si baby

7months and still working. Toxic ang work ko casino environment so smoking environment sya. Yaka pa naman . Due ko sep 18 pero 1st week ng sep pa ko magleleave. 😊 Mabuhay tayong mga working preggy moms ❤️

As much as possible at kung keri ko pa eh magleave ako 1 week prior to my duedate. Mas prefer ko kc ilaan ung leave ko kay baby kesa mag antay ng panganganak. Office work ako and flexi time din kaya no pressure.

21weeks still working . Everyday byahe malabon to pasig .. Hanggat Kaya momshie go Lang .. Wag na Lang mag daLawang isip mag rest pag tLgang nakakaramdam ng Pagod dahil ganun din nararamdam ni baby ..

Momsh, 2 weeks before my due nagleave na ako. Field work kase ako and laging out of town because of shootings/tapings. Ayun, nakatulong naman yung work ko kase lagi akong tagtag kaya nakapagnormal delivery ako.

ako nagbed rest 7mos and 26 days .hanggang 8mos ang pwede momshie. pero kpag di mo na kaya magwork lalo na malaki na si bby. mahirap kpag premature bby. mas mabuti magbed rest kna lang as early as possible