Gusto ko mag breastfeed ulit
Hello mommies, Ask ko lang possible pa kaya na lalakas ulit gatas ko if di ako nakapag breastfeeding sa pangalawa ko huhu gusto ko ibreastfeed si baby para tipid. Ano po tips nyo para lumakas at magka bf ulit.Salamat sa mga sasagot
Ang best na "pampadami" ng breastmilk ay Unlilatch/ feed on demand lang po and keep yourself healthy and well-hydrated ☺️ Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Also, ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at hindi sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ Correct and proper knowledge on breastfeeding is way more effective than any milk boosters in the market ☺️
Magbasa pa