Nakunan ba ako??

Hello mommies ask ko lang po. October 5 my last period nung nov. 5 inintay ko magka regla ako pero wala isang linggo lumipas wala pa rin. So akala ko magkakaroon pako kasi simula pagka anak ko hanggang sa nagkaroon nako ng regla lagi nakong delay buwan buwan minsan 1 week talaga ako nadedelay so akala ko delay lang talaga ako nung November. Then nov.13 nag try nakong mag PT nag positive sya. Kahit kakaisang taon pa lang ng bunso ko sobrang happy ko. Then nung gabi ng nov.13 sumakit puson ko na para akong rereglahin then nov. 14 dinugo napaisip ako bakit ganun kasi positive naman bakit niregla ako kasi sa isang araw nagamit kong pads is 4 pads kasi malakas dugo ko. Hanggang sa sobrang sakit na nya nov. 15 may lumabas na buong dugo sakin yung nasa pic po. Hanggang nov. 19 dinudugo pa rin ako. 3-4 pads nagagamit ko a day. Sinawalang bahala ko lang kasi baka regla nga talaga at nagkamali yung PT kasi malabo yung isang line nya. As in malabo talaga. Nov. 24 ng hating gabi nagising ako sa sobrang sakit ng puson ko at tyan na halos sumigaw nako sa sakit . Parang pinipilipit tyan ko na para akong natatae pati btuka ko parang pinipilipit hinfi ako makakilos kahit kunting kilos sobrang sakit nya. Sigaw ako ng sigaw sa sakit kaya nagising si mister dinala ako ni mister sa private hospital kasi hinimatay nako sa sakit. Pag gising ko kinukuhaan nako ng dugo then pinaihi ako dumating yung doctor at sinabi na buntis ako. Yung cramping na naramadaman ko is normal lang sa buntis DAW . Pero hindi nila kung gano kasakit yun as in sobrang sakit na halos ikamatay kona first time ko maranasan yung ganung sakit. Akakaranas ako ng sobrang sakit ng puson pag may regla ako pero iba yung sakit na naramadaman ko. Then pinauwi nako nung umaga at pinag bed rest ako niresetahan ako ng pampakapit. Sinunod ko yung doctor. Pero until now sumasakit parin puson ko. Pero hindi ganun kasakit. Yung left side ng puson ko minsan sobrang sakit hirap ako makalakad at may lumalabas na white discharge sakin everytime na sumasakit left side ng puson ko. Sobrang sakit pag kumikilos.

Nakunan ba ako??
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

pa-check niyo po ulit sa OB para mareassure po kayo. hindi po kasi malalaman until sinabi na po ng doctor.