hi mommies!! ask ko lang po kayo about kasi kay baby ko, 10months na po sya now pero ung weight nya is super layo sa normal average weight pero okay naman po sya kumain at dumede sakin. nung last time na napunta kami ng center for bakuna, nasermonan tuloy ako ng tao dun na bakit daw ganon, malnourished ang anak ko kasi nga po malayo daw sa normal average weight ung weight nya sa edad nya. eh ako naman po iniisip ko, baka naman po may kinakalaman sa genes since ako po is maliit at payat na babae din na kahit malakas kumain, di po talaga ako tabain. ganon din po ang daddy nya, payat lang din po kahit na malakas kami kumain. parang gusto kopo sabihin dun sa center na what if sa genes talaga yun?? tsaka hindi naman din po sakitin ang baby ko even tho ganon ang weight nya. nagkakasakit nalang din sya kapag panahon ng sakit pero kapag po okay naman ang panahon, di sya nagkakasakit. tsaka masigla po ang baby ko, makulit at malikot. nagwoworry lang po talaga ako. okay lang po ba talaga yung ganon? i tried my best naman po talaga para mag gain ang baby ko, pero just like me, hirap po ako magpa gain ng weight. me as 21years old pero 38kg lang at 4"11 ang height 😭