Suka after dede

May mga times na nagsusuka si baby during or after feeding but I don't think it's overfeeding kasi inoorasan ko naman pagdede nya nasa 3-4hrs interval minsan mas matagal pa pag mahaba tulog nya. Pinapaburp din ng maayos hindi hinihiga agad after burping. 2oz pinapadede ko, she's 6 weeks old. Any possible reasons po sa pagsuka nya? Nga pala, nagbibigkis po si baby. Binibigkisan po sya ng mother ko kahit alam naman namin na hindi advisable ng mga pedia ang bigkis. Is there a possibility na un ang cause ng pagsusuka nya? By the way, napacheck up na namin si baby about sa pagsusuka nya pero wala naman nakitang problema sakanya. As a FTM I'm really worried kasi madami pag nagsusuka sya like ilalabas nya ung buong dinede nya. #pleasehelp #advicepls #firsttimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

observe nyo na tanggalin muna yung bigkis nya at least 12-24 hours while nag fe-feed kayo sa baby, baka kasi masyadong mahigpit pagkalagay ng bigkis so ang nangyayari pag nagfeed na si baby lalaki ang tyan nya so the more na lalaki yung pressure sa tummy ni baby kasi nga nakabigkis. katulad natin pag nakasuot tayo ng masikip tapos busog, diba di tayo makahinga? so I suggest mommy na i ovserve nyo po, kasi di po talaga advisable na maglagay ng bigkis sa mga baby.

Magbasa pa

baka di hiyang mii ,my case kasi talaga na sa 1month hiyang sya sa ganyang milk din on the next month hindi na .

Kung formula milk baka di po hiyang

2y ago

Yes po mi formula. 1st month po nya ok naman po hindi naman po nagsusuka ng ganun. Ngayun ngayun nalang po