66 Replies
not intentional na binago ung narealize ko nlng hala d ako pet lover dati like as in dedma ako sa pet d ko naman hate kaso dedma lng tlaga ko ni d ko hinahawakan kapag cute lng tlaga pero ngayon meron na kme 2 dogs sa bahay. And ang bait konna ngayon marunong na ko magcontrol ng emotion dati basta galit ako patay kayong lahat sakin damay damay ganon. d nia ugali ung sasabay sa galit at sassbog usually kapag may toyo ako dedma tlaga sia or iibahin topic hanggang mauuto nko makakalinutan kong nang aaway ako. medyo ganun na dn ako ngayon d na ko patola ๐๐
Maraming binago but di naman siya nagsabi na baguhin ko sarili ko. Nagkusa na akong magbago for the sake of our relationship, before kasi im so immature though im older than him at siguro yong pagkakaiba namin ng relihiyon, Islam siya maraming bawal at christian ako. Lagi kami nag aaway pero today pareho na kaming nagmature, mas pinili namin intindihin at pakingan ang isat isa yon lang๐ฅฐ
hhhmmm. wala po...... kasi magkaiba pala kami ng ugali kasi. nung dipa kami kasal ok kami.khit 12years bago kami ikasal dko padin pala sya kilala. and dko tlga kaya lunukin ang pagiging perfectionist nya๐ d bale magbangayan po kami basta ilalaban ko kung tama ako๐
Wala dahil simula palang tanggap nya lahat sa akin. Siguro kaunting adjustments lang dahil iba talaga kapag may asawa na. Hindi nalang palaging tungkol lang sa akin kundi dapat tungkol na din sa knya dahil pinag-isa na kaming dalawa.
Maraming binago sa sarili,pero Sabi Ng Asawa ko dapat ginawa ko Hindi pra sa kanya but for myself. But I still want to change for a better person for Him and for our family. Ex. pagkain Ng mga gulay na hate ko dati.hehe.๐
Ako di na masyadong mabig deal sa lahat ng bagay. To avoid nonsense argument. Before iniiyakan ko lahat konti bagay ngayon hindi na, need lang ipaalam kay hubby yung concerns ko. Communication is very important.
meron akong nabago sa sarili ko, kung dati wala akong pake sa hitsura ko, ngaun napahilig ako sa pag aayos mula pananamit hanggang sa hitsura. at mas alerto ang pakiramdam ko ngaub kesa noon.
Yes po, binago ko po dati kong ugali na mapagmataas. Hahaha minsan nahihirapan pa rin ako magpakumbaba pero pinipilit ko. Ayaw ko kasi na tumagal at humaba pa away namin, kasi mahal ko siya.
wala talagang kung ano ako since day 1 ganun parin ako up until now super minahal nya nalang din sguro pati flaws ko in life i think thats the real meaning of love ๐งก
Nahawa ko sa bisyo nya sa gastos.. na madalas nmin pinag aawayan, madamot daw ako.. khit ako ang nagbbayad ng rent at monthly ng kotse.. sa groceries lang ambag nya..