Hard to satisfy baby at 8 months
Hi mga Mumsh! Ngayon na lang ulit ako makakapagpost ng katanungan dito. Yung 8 months old baby girl ko kasi sobrang hirap niyang isatisfy. Kahit busog, nakaligo, malamig ang panahon, nakatulog ng maayos, o kahit karga karga mo na, laging nagrereklamo. May stranger and separation anxiety rin siya, ako ang laging hanap niya. Sobrang nakakapagod lang mga Mumsh. Minsan naiiyak ako sa pagod. Sa pagtulog niya sa gabi, sobrang likot. As in 360 sa kama. Pagulong-gulong, dadapa, at gagapang so dapat always alert ako. Ang hirap ding paliguan dahil laging nagrereklamo. Super struggle din sa pagbibihis lalo na sa pagsuot ng diaper. Kapag kakargahin ko, di pwedeng di ka magsasalita dahil maboboring kaagad. Sino po sa inyo mga Mumsh ang may baby na super hirap isatisfy? 😭 Need your advices po.#advicepls #pleasehelp