13 WEEKS PREGNANT(FIRST TIME TO BE A MOTHER)

Hi mga momshy. Sa mga single mom jan at mga may mga healthy relationship need ko po ng advice niyo. Since gago yung nakabuntis sakin puro lang salita at wala naman sa gawa. Magaling lang gumawa ng himala at maglabas ng mga mabulaklaking salita. Mag tatanong po sana ako kung normal batong nararamdaman kung pihikan ako sa pagkain madalas sumakit ang tiyan at likod ko. Madali akong masuka kapag may mga pagkain akong hnd nagustuhan. Minsan hd na kumakain ng pananghalian at hapunan gawa ng hindi alam kung anong kakainin. Madalas magmukmok sa kwarto gawa ng hindi pa alam ng mom ko yung kalagayan ko dahil natatakot ako kasi sure na papalayasin ako at wala akong ibang matatakbuhan tanging papa ko lang ang nakaka alam at yung magaling kong ex na nakabuntis sakin. May plan is kapag wala ng lockdown pupunta ako sa papa ko dahil tanggap niya naman ako dun ko iraraos ang pagbubuntis ko. Hayyyy nako sana lang hnd agad lumaki ang tiyan ko. Hnd natutulog sa hapon mahilig uminon ng mga juice like tang and c2 mahilig mag babad sa cp yung tulog is 10pm to 7am tanong. Ko po kung normal ba lahat ito hnd pa po kasi ako nakakapag check up and i need some advice. Please po sana may mag comment. -PrettyG

13 WEEKS PREGNANT(FIRST TIME TO BE A MOTHER)
30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

1st trimester ko sobrang pihikan din ako..Pagkatapos ko kumain ng konting kanin at makainom ng vitamins after 1hr isusuka ko din lahat..kaya lagi akong may skyflakes at tubig..kapag di talaga kaya kumain dahil wala akong gana skyflakes at tubig lang talaga ako..normal lang yan..wag ka masyado mastress at magpuyat kasi nakakasama kay baby yun..

Magbasa pa

Wag masyado mgpuyat..makakasama yan sa kalusugan mo kung sakali ikaw man ay buntis... First trimester marami ka tlga mararamdaman kakaibang pagbabago sa katawan mo... Yung nausea sa umaga at mga pgkahilo at pagsuka sa mga pagkain kinain mo pero d mo ma-take, iluluwa muna... NORMAL lang yan..kanya-kanyang paglilihi sa pagbubuntis

Magbasa pa
VIP Member

Normal naman . Ako nung mga 1st month to 3months ayokong kumaen lahat nasusuka ko . Gusto ko lang ng mga juice na malalamig na inumin . Tas super stress din sa tatay ng baby ko nung mga 4th month ko dahil my first family sya . Ingatan mo nalng si baby . Inum ka lage ng milk pang pregnant dun mo bawiin tska fruits and vitamins

Magbasa pa
VIP Member

Normal lang yan momsh. Sadyang may sayad lang tayong mga preggy. Wag kang masyadong magalala.. Pero sana push mong kumain kahit ayaw mo. Kasi walang nutrients na makukuha anak mo pag ganyan. Also drink milk.. Para din sa bata.. Goodluck, stay strong and godbless. 💪😘

Magbasa pa

Pilitin mo kumain momsh,isipin mo si baby kahit ayaw mo yun food ganyan din ako pero 12 weeks sakin. Makikita mo na sya sa ultrasound na as in my paa at kamay na. Isa pa wag ka papalipas ng gutom kasi masama sa health ni baby yan sya yun maaapektuhan momsh.

Normal lang naman yan ako 1month to 3month hindi ako nagkakain tamlay na tamlay ako sa lahat.. Pero nag bago naman yung pag dating nang 4month 42 lang timbang ko dati ngayon 63 na at ang diko lang maiwasan mahilig ako sa chocolate

VIP Member

normal kase nasa 1st tri ka palang. pero pilitin mo parin kumaen para sa baby mo. and iwas muna sa mga juice instead mag anmum ka. mas goods yun sayo. iwasan mo din po mag cellphone anti radiation. isipin mo yung dinadala mo.

VIP Member

wag po masyado stress kawawa c baby momsh at kahit walang gna kailangan mo parin piliting kumain dahil need ni baby yun. dahan dahanin mo nalang para di mo tuluyan maisuka. kain ka rin ng fruits at inum ng vitamins.

sakin po 20+ wks na nung naamin ko sa sobrang takot ko dahil super strict parents ko especially mama ko pero natanggap naman po nya nasermonan lang pero natanggap . sabihin mopo sa mama mo para ma guide kanya

VIP Member

Pihikan din ako now sa food pero pinipilit ko kumain kesa wala. Wag mo stressin din ang sarili mo makakasama sa baby. Sabihin mo na sa mama mo po, magulang mo pa rin naman sya kahit anong mangyari.