Hello mga momshies!!! Gusto ko lang po maglabas ng saloobin. Ako po ay nasa 40 weeks na ng aking pagbubuntis at sa kasalukuyan ay wala pang nararamdaman na kahit anong sign ng labor. Pang 2nd baby ko na po ito. Sa akin naman pong panganay ay madali lang ako nanganak at nakitaan agad ng mga senyales ng paglalabor. Hindi po ako niresetahan ng aking OB ng primrose tas nung last checkup ko po ay 1cm palang ako at medyo mataas pa daw si baby. Lahat naman po ginawa ko na, mga exercise, nagpatagtag, kumain ng mga pampaopen ng cervix. Ireng ire na ako mga momshies kasi super bigat na ni baby!!! 🥲🥲🥲 Any tips naman dyan huhu