Dark Underarms
Mga momshie, sorry for the pic pero sana matulungan nyo po ako. 😢 I am currently 34 weeks preggy pero yung under arms ko sobrang itim at ang kati kati nya. ðŸ˜ðŸ˜ Deonat po yung gamit kong deo since need ko din kasi pumapasok pa din ako sa work. Ano po bng pwede ko po gawin para mawala ung kati and maglighten naman po sya kahit unti. Sobrang dry nya na din po kasi and mahapdi po. Puro bumps pa po. Salamat po in advance 😢#pleasehelp #advicepls #pregnancy
baby oil po mamsh lagay nyo baby oil gamit ko e tapos nilalagyan ko ng dove na deo after ng baby oil kaunting deo lang mamsh, hindi ganon kaitim kilikili ko now and hindi sya nag dadry
same tayo momshie😒 ganyan din kili kili ko masyadong nabugbog tapos makati dala lang ng pagbubuntis ko im 35weeks na sana mawala narin to pagkatapos ko manganak by November 😒
Better stop using your current deodorant kasi mas lalala lang po sya mommy, ganyan din Ako sa first pregnancy ko, switch sa mga mild lang like dove, maganda Yung unscented
buntis po pala kayo dapat natural nalang muna mga organic deo po saka nalang po ung matatapang na pampaputi pagka panganak po normal naman po sa buntis yan..
Gamitan mo nalang po muna ng mildsoap and Cetaphil mababawasan po yung kati at bumps niyan momsh. yung paggimg dark po mawala din po yan after mo po manganak
Parehas po tayo...sobrang nangitim yung kilikili..nangangati din po yung kilikili ko nagsusugat na kakakamot ko di ko kc mapigilang hindi kamutin ...😂
thats normal. Same tayong super dark pero hinayaan ko lang until days go by babalik din sa normal. ayun so far Pumuti naman po kili kili ko
normal nman po yan kahit ako preggy boy ung akin eh kaya normal po yun wala po akong gamit tawas lng po tlaga kc kusa pong mawawala yan eh
babalik din sa normal yan after manganak. wag ka na muna magpapahid ng kung ano, Baka naiirita. kahit tawas o Deodorant tigilan muna.
ganyan din po sakin sobrang kati niya nag umpisa siya nong 8weeks palang ako Hanggang ngaung 29weeks na diparin matanggal Ang kati