Sustento
Mga momshie kasya n b ang 5K/month na sustento para sa.new born?? 27weeks preggy plng ako then First time mom kaya di ko pa ma tancha magkanu gastusin kai baby .... Wla n kami ni bf tas ayaw kong balikan sakit sa ulo pagiging babaero ... Seaman po c boy kaya keri nmn nya magsustento. Mga magkanu b gagastusin pra kai baby ... Ibbreastfeed ko lng c baby para mas healthy
Pwede kung instead na diaper magtyaga ka maglaba ng lampin, mag breast feed, ang check up ni baby sa center. Sabi nga nila kapag maiksi ang kumot matutong bumaluktot. Pero kung kaya nmn ni daddy magdagdag ng suporta why not give the best di ba😊
Kasya lang po yun mommy pag nag breastfeed sya. Diaper at mga baby stuffs lang ok lang po. Pero pag kasama ka na po sa budget hindi na po yun kaya. Dont forget mommy na mag save nga pera always. Incase po may madalian na gastos. God bless po
Kung ako sayo 20k-25k per month. Food Milk Diaper Vitamins Essentials Health card Educational insurance Emergency funds Aba ang mahal kaya ng bilihin ngayon. Wag kang papayag na 5k lang! Pangkaen palang kulang na yan eh!
Magbasa paTito ko po ofw lang pero 18k pinapadala para sa isang bata lang. Kaya naman ata iprovide po ng ex bf mo. So mga ganyan na lang din po hingiin mo every month para maprovide yung best para ke baby
Seaman asawa ko, 7k nga lang monthly ko nung di pa ako buntis pero kasya naman kasi may bahay naman kami. Now na buntis ako, 10k lang allotment ko kay hubby, okey naman, may sobra pa nga eh
5k? Hahahahaha 3 days grocery lang yun teh sa family of 3. Ano ba 20k-30k po ang baby! Sa newborn nga minsan 50k pa kasi papalit palit yan ng damit kasi mabilis lumaki.
Dagdagan mo n mommy para sa future ni bb seaman nmn c x.yung sobra ipon mo para kay bb..for emergency na din kung sakali mgkasakit..😊
Seaman naman pala yung ex mo kaya nya if you demand a little more wala padin naman sya sigurong bago take note po yung para sa inyo ni baby mo.
Pano mo nasabi na hnd professional Job ang seaman?
Tama yon sinasabi nila 10k kunin mo tapos ung excess ipon mo para sa future ng baby mo kasi di natin masasabi ung future momsh
Kulang yan. Gatas, diaper, sabon, wipes, vitamins, vaccine, check up. Gatas lang yang 5k.