Lungad sa ilong

Hi mga momsh hingi lang ako ng advise or alternative way para hnd maoverfed c baby kasi lagi xang umiiyak gustong dumede 1month plang baby ko. Trinay na namin xa bilhan ng rattle para macapture attention nya kaya lang walang effect. Nagtry kami ng pacifier pero wala rn niluluwa nya, hinihele namin cya kaya lang panay iyak parin nya. Anu po kaya pwedeng gawin para hindi cy umiyak or maghanap ng dede? Naaawa kasi ako sakanya nahihirapan cya huminga kapag nalungad sa ilong.. Agad kong binubuhat at sinasuction.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

lagyan ng interval ang feeding ni baby to avoid overfeeding. every 4hrs kami. hindi naman laging dahil gutom ang bata kaya umiiyak. may sucking reflex ang bata kaya sisipsip kahit busog. baby ko, ayaw ng nakatayo lang ang nagbubuhat sa kania kaya naglalakad kami para tumahan. mahihirapan din huminga ang baby kapag iyak ng iyak. ginagawa ni hubby ung buhat na "the hold". icheck kung may kabag. after feeding, i-burp si baby. wait for atleast 30min bago ihiga si baby. elevate ang higa ni baby to prevent reflux.

Magbasa pa