based from experience, may baby na kusang ginagawa, may baby na need ng tulong or support.
sa 1st born ko, nakakadapa na sia at 3months, hindi ko naman na-tummy time. mabilis ang milestones nia gang sa paglakad.
sa 2nd born ko, tinulungan ko na.
at 5months, tinutulungan ko na siang dumapa, nakasubsob pa. umiiyak din, hindi tumatagal. pero after 10 days, naaangat na nia ulo nia. nagulat kami, mabilis na agad siang gumapang, hindi sia ung nagstart sa mabagal.
at 5months, bumili nako ng inflatable seat. pinapaupo namin with support ang likod. eventually, nakakaupo na sia kahit hindi nakasandal. kaya pinaupo na namin sa kama, then nakatungkod ang kamay nia to support ang sarili nia hanggang sa kaya na nia mag-isa.
ung sa lakad, pinagamit namin ng walker para mafeel nia ang paglakad. by 9-10months, kusa na siang tumatayo at naglalakad sa gilid-gilid. by 11 months, nakakalakad na sia mag isa, katulad din sa 1st born ko.