Pagtulog tuwing gabi

Hello mga mommy! Ask ko lang po if sinasabayan nyo ba si baby matulog tuwing gabi or nag pupuyat po talaga kayo at nag babantay kay baby? 1 month and 17 days na po baby ko and yung worry ko po if nag sasabay ako sleep sa kanya di ko sya mabantayan. Takot po kasi ako sa sleep apnea or SIDS at ayaw ko mangyari sa baby ko yun kaya gusto ko mag puyat bantay kay baby kesa matulog din ako sabay nya. Any tips, recos or advice? Mahal din po kasi yung baby monitor. Salamat sa makakasagot. #firstmom #firsttimemom #sleeping

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

You need rest. Sabayan mo hanggat kaya. Make sure to check na safe ang place of sleep ni baby para pag tulog siya walang haharang sa face niya.

1y ago

wag maglagay ng pillows at blankets sa paligid ni baby pati dapat yung higaan nya hindi loose sheet. im pretty sure bilang mommy ang tulog mo hindi 100% haha naging ganyan ako nung nagkababy. noon tulog mantika ako pero ngayon parang kalahati ng pagkatao ko gising kasi need na aware ka kay baby. may times noong infant si baby para makasabay ako ng tulog, kalong ko sya habang tulog kami pareho. kaya nakaupo ako magsleep noon.