diaper rash
Mga mommy ano po mabisang gamot last december pa kase to😭 Di paden naalis rashes ng baby ko🥺🥺🥺 Sana po may makasagot, wala din kase kami pang pa check up natanggal din kase asawa ko sa trabaho wala din kami mahingian tulong🥺worried na ako pati sa leeg may rashes na si baby ko huhu😭😭😭 #firstbaby #advicepls #1stimemom
change diaper po tas luke water lang muna gamitin tas malinis na bimpo pamunas wag munang gumamit ng kahit anong sabon. try din pong ndi muna gumamit ng diaper..
lampin mo muna .. habang hindi pa magaling yung rashes . den pag ok na .. change diaper na po kayo . baka hindi sya hiyang sa gamit nya ngaun .. get well baby
nagkaganyan yung alaga ko , ang nireseta sakanyang ointment dalawa , daktarin tsaka hydrocortisone . nabibili over the counter yan 400+ tsaka 200+ yung prize
wg n lang muna gumamit Ng diaper hnggat hindi p mgling Ang rashes.gmit n lng muna lampin or tela Kay baby.maligamgam din Ang gmitin at bulak sa halip n wipes
Wag na muna pong mag wipes maligamgam na tubig at cotton na muna po tapos apply petroleum jelly kapag po tuyo na. Check nyo po diaper ni baby kung puno na
Nagkaganyan din po anak ko. Ginamitan ng asawa ko ng wipes made from cucumber tapos tissue pang tuyo tapos cloth diaper. Eventually nawala na naman yung rashes
petroleum jelly mommy pwede din kagagaling din ni baby ko sa ganyan. tas pahanginan mo din minsan ,kapag gising siya tanggalin mo muna yung diaper Niya😊
Opo salamat mommy
petroluem jelly hinahaluan ko lng sya ng baby powder ,,then sa mga affected area ko lng sya ilalagay wag po dun sa may pinabutas ng pwerta ni baby
Tiny buds anti rash ko effective po yun mommy, better kung mag try ka po ibang diaper baka di po hiyang c baby sa diaper na ginagamit sakanya 😊
palitan mo na diaper ng baby mo. o kaya baka dahil sa wipes yan kaya bulak at tubig mo lang. may mga ointment din para jan magpa reseta ka sa pedia niyo
Di po ako gumagamit ng wipes ng baby ko, ginamitan ko na po siya ng ointment yung rash free
Papa of 1 energetic superhero