37 weeks and 4 days

Hi mga mommy, Ano po kayang mabisang paraan o gawin para bumuka na cervix ko Kasi close parin po binigyan na Ako Ng OB ko Ng primrose yung ilalagay sa pwerta pero baka may alam din kayong pwede Kong isabay na Gawin, kainin or inumin para mapabilis, bawal Kasi akong abutin Ng 40 weeks since may gastational diabetes Ako😞 Thanks po, first time mom here, kaya medyo na pre pressure Ako.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Mommy, Nakakaintindihan ako kung bakit medyo pressured ka ngayon, pero huwag kang mag-alala, marami tayong pwedeng gawin para mapabilis ang pagbubukas ng cervix mo. Una sa lahat, malaking tulong ang pagpapalakas ng iyong katawan sa pamamagitan ng regular na ehersisyo. Subukan mo ang walking o prenatal yoga para ma-activate ang iyong cervix. Puwede mo rin subukan ang pag-inom ng raspberry leaf tea, kilala ito sa pagtulak ng pagbubukas ng cervix at pagsisimula ng labor. Ngunit siguraduhing kumunsulta muna sa iyong OB bago ito subukan. Maliban dito, mahalaga rin ang tamang posisyon habang natutulog. Subukan mo ang pagtulog sa iyong kaliwang gilid upang mapadali ang pagbukas ng cervix. At sa mga pagkain, puwede mong subukan ang spicy food o pineapple juice. Sabi ng iba, nakakatulong daw ito sa pagpapabilis ng pagbubukas ng cervix. Huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong OB tungkol sa mga natural na paraan na ito para sa kaligtasan mo at ng iyong baby. Good luck and stay positive, Mommy! You got this! 😊 Voucher ₱100 off 👉🏻 https://invl.io/cll7hw5

Magbasa pa

ma'am kung ako po sainyu mataas diabetes nyu para bumaba po yan yung okrang hilaw hiwain niyo po tapos ibaban nyu po 24 hours tapos yun po iinumin nyu tuwing umaga mabuti din po yung cucumber gawin mong juice na walang asukal kasi po medyo jan po bumaba diabetes ko tapos ang maganda gawin wag po kayu iinom ng manga diyos sa lata kasi mas matapos po yun may manga sugar po iyon

Magbasa pa

ma'am kung ako po sainyu mataas diabetes nyu para bumaba po yan yung okrang hilaw hiwain niyo po tapos ibaban nyu po 24 hours tapos yun po iinumin nyu tuwing umaga mabuti din po yung cucumber gawin mong juice na walang asukal kasi po medyo jan po bumaba diabetes ko

Magbasa pa

lakad ka po malayo pag napapagod pahinga lang, yan ginagawa ko every morning 1hr walking and pelvic exercises po, 36 weeks and 3 days today. pang 3rd baby ko na to.

Same mhie kahit nag pure pineappe nako closed parin kahapon lang ako na IE🥺 ayko mainduce ulit subrang hirap tapos magisa lang ako naglalabor sa room☹️🙏🏻🥺

Bukod sa walking, pineapple, eveprim, squatting, pwede din po mag DO kayo ni mister. Nakakatulong daw ang sperm sa pag lambot at pagbukas ng cervix.

VIP Member

try mo mi mag squatting exercise for pregnant. search ka sa youtube kung paano yun. makaka help din yung ma open ang cervix mo.

pine apple juice po

Contact kay hubby

pineapple juice mhie