Placenta Previa

Hello mga Mommies! Any tips/suggestions/ideas about sa placenta previa? Di pa ako sure if what grade. Nakunan ako sa first pregnancy ko and I’m currently 25 weeks pregnant with placenta previa. Di po ba talaga pwede maging normal delivery if ever di tumaas yung placenta? Any ideas mga Momshies sa mga may experience nito. Gusto ko lang din may idea sa condition ko. Comment lang kayo ng experience nyo and if may suggestion kayo, it would be highly appreciated. #firstbaby #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende po kung gano katindi ang previa mo. sinusukat kasi yan. kung halos malapit sa cervix may possibility kasing duguin ka pag natagtag o napagod, kaya common na bedrest pag ganyan. if di tumaas, possible kasi CS yan. Better be ready po talaga sa mga possibilities lalo ang CS. ang iisipin mo na ngayon ay hindi makamenos sa delivery (kung normal) ang priority na ay mailabas mo si baby na pareho kayong safe at healthy.

Magbasa pa
Super Mum

prone sa bleeding pag may placenta previa, kaya safer option cs delivery para di na magrupture ang placenta. dont over work yourself. sabi din sa akin taas lagi ang legs sa pillows. ( cs 2017 placenta previa)