Pakialamerang Byanan

Mga mommies, pavent out lang sobrang inis ko na. Yung MIL ko kasi sobrang pakialamera sa pag aalaga ko sa newborn namin. Sa parents ko kami pansmantalang nakatira ngayon ng husband ko and ni baby para matulungan ako sa pag aalaga ng mom ko sa newborn namin. We are planning talaga na bumukod as soon as makahanap na kami ng lilipatan and makaadjust na sa pag aalaga sa baby namin. Dumadalaw dalaw lang kami sa MIL ko last christmas and new year. Mom ko hinahayaan ako sa pag aalaga ng baby ko in a way na more on advise sya pag may mali. At the end of the day ako pa din nagdedecide for my baby. She’s lending her helping hand pag di na kaya ng dalawang kamay ko mag multi task. Never ako nakarinig sa mom ko na mali yang ginagawa mo, ganito dapat, ganyan, bawal yan, wag yan. Samantalang etong MIL ko sobrang irita ako. Ang dami nyang pamahiin at makalumang way ng pag aalaga ng baby ang gusto nya ipagawa sakin. Ultimo panis na laway daw yung ipanghilot sa paa ni baby para di masakang (like WTF). At gusto nya sya daw unang maggugupit ng nails ni baby pag tungtong ng 1 month (inagawan pa ko ng moment sa baby ko na dapat ako yon). Eto pa malala, painumin ko daw ng tubig para di tumigas poop. Hello?! Bawal ang water sa newborn at hindi matigas poop ng baby ko. Pinapabigkisan nya pa para di daw lumaki tyan. Pinagbigyan ko sya dyan sa bigkis one time nung nasa kanila kami. Guess what happened… dumikit yung umbilical stump ni baby sa bigkis at muntik maputol. Sinugod namin sa pedia nya at pinagsabihan pa kami. Bakit daw namin binigkisan, sinabihan na kami na wag bibigkisan at matagal matutuyo yung pusod. Then one time naman nagpost ako sa story ko na nagtutummy time si baby. Nagreply ba naman at bawal daw padapain si baby ng matagal. Hello?! Tummy time nga eh, saglit lang yon at para sa development ni baby yon. Sobrang nakakabadtrip. Di nga kami nakatira sa kanya pero sobrang pakialamera. Gusto nya pa pabinyagan si baby. Hindi po kami catholic. Shes not respecting it and she wants to push the baptism. Pero di talaga ako papayag. Shes going too far na. Sinasabi ko naman sa husband ko and sabi nya hayaan na lang daw kasi naeexcite lang sa apo. Basta ifilter lang namin kung ano yung susundin at hindi. Nagtitimpi lang talaga ako ngayon dahil ayoko masira yung relationship namin.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yan din sabi sakin ng MIL ko na dahan2 bigyan nga kunting water si baby sa twing sinisinok ,di ko po sinusunod ,tapos ang daming bawal ,kesyo dw bawal kaming mag family picture na 3 tsaka post sa fb ,

buti strong ka! wag mo hayaan gawin yung mga gusto nya gawin. buti hindi napainom ng water si baby

Relax lang sa mga MIL. Madami ka karamay dito, wag na wag mo papatulan