No Eat and Drink 2 yrs old

Mga mommies pa help po please 😭 3 days napo simula ng nilagnat ang anak ko kasabay ng ubo at sipon. Kahapon wala na syang lagnat at ngayon pero may ubo pa konti. Pero sa 3 days na yon hindi sya kumakain dumedede man sya sobrang dalang . Mahina din sya at di lumalakad nakahiga lagi at matamlay . Tubig umiinom sya minsan . Pinipilit ko painumin lagi . I tried everything po , TUBIG , VIVALYTE , may ANTI BIOTIC SYA AND PROBIOTICS NA NIRESETA . I even tried Ice cream popsicles para lumakas lahat ayaw nya 😭 Galing na kami sa doctor kahapon ang sabi pag dipadin umokay pakiramdam nya hanggang bukas ipa swero na. BAKA MAY IBANG SUGGESTION PAPO KAYO NA POSSIBLE MAG WORK , May pambayad naman kami sa hospital nakaka awa lang kasi makita pag tinuturok turukan ng madami . Kaya tinatry muna namin pagalingin sya dito sa bahay . Salamat po. #RespectPostPlease

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ang anak ko. we try muna sa bahay pero kapag hindi kinaya, nagpapaconfine talaga kami dahil mahirap na. sa anak ko naman, kahit may sakit ay hindi sia matamlay. yes, tumatamlay sa pagkain pero hindi sia lagi nakahiga. hihiga na lang sia kapag mataas na ang lagnat nia. sa anak ko, kung fever due to ubot sipon, hindi sia matamlay kumain nor matamlay ang katawan. tumamlay lang sia kumain nung dengue at fhmd. may nireseta ang pedia na appetite stimulant after dengue due to weight loss. pero hindi sia pwedeng painumin while on antibiotic. pinapahinto muna ang mga vitamins while on antibiotics dahil maaaring magkaroon ng effect sa bisa ng gamot. kung matamlay man kumain, binibigay na namin kung ano ang gusto niang kainin. binigay na namin ang minute maid na juice. ang problema sa anak ko, nung naconfine due to dengue, lalong ayaw kumain dahil ayaw sa lugar. iyak ng iyak kapag may pumapasok na nurse. pero nitong fhmd, pinilit namin sa bahay na talaga dahil baka lalong nanamang ayaw kumain. nagkaigi naman kami. prayers for healing ng anak nio. sanay kumain na sia. bigyan nio milk, kahit konti pero ask kau mayat maya. dahil makukuha nia ang nutrients sa milk.

Magbasa pa
Related Articles