Hirap sa Breastfeeding, Ano dapat gawin?

Hello mga mommies, hingi lang po ako ng suggestion. Mahigit 1 week na si LO ko at mixed feeding ang ginagawa ko kasi konti lang napoproduce ko na gatas pag BF. Hirap din si baby pag latch kasi maliit nipple ko sa right breast kaya umiiyak sya at ayaw nya i latch. Ano kaya ang pwedeng gawin para marami maproduce na milk nakaka stress pala yung ganito na gusto ko sana pure BF LO ko kaso di ko maibigay. Hays, naguguilty tuloy ako. 😔 #FTM1weekoldbaby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ganyan din ako nung una mommy . mix kase mahina pa . pero nagsabaw ako ng nagsabaw then tubig. tapos pinapasipsip ko yung dede ko kahit mahina . ngayon lumakas na . ganun ata talaga sa una mahina pa. inom ka lang lagi ng maiinit .

unlilatch lang po talaga para dumami ang breastmilk supply. sabaw ng malunggay/malunggay supplement can also help boost milk supply kung mahina. more water/fluids, 2-3L per day. iwas sa stress.

Magbasa pa