19 weeks depressed and stressed. Need advice please

Hello mga mommies, gusto ko lang maglabas ng loob since sobra ko na tong kinikimkim. Alam ko na mali naiisip ko. Namatay ang father ng partner ko and umiwe sya ng province at habang nandun sya hindi ko maiwasan hindi mag overthink. Share ko lang ayaw sakin ng mga kapatid nya dahil kasal at may anak na ako sa iba pero 8 years na kaming hiwalay at may anak nadin ang ex ko. Lahat ginawa at binigay ko sa partner ko ni wala akong tinitira madalas sa sarili ko dahil gusto ko lang yung ikabubuti sakanya. Bago mamatay yung papa ng partner ko may isa syang kuya na below the belt na magsalita sakin at nagsesend ng mga pictures ng babae na dapat ayun daw ang piliin nya dahil single. Knowing na 1st trimester ko puro ako spotting at bago ako mag 2nd trimester dinugo ako na akala namin mawawala si baby. Pero mabait si Lord. May payo pa sakanya na, Pwede naman daw akuhin ang bata pero wag daw ako tuluyan ganun advice sa partner ko. At ngayon namatay yung papa nya sobrang sakit na hindi ko man lang maextend yung sympathy ko sa family nya at ni hindi ko sya matawagan lung nakakasleep ba sya at nakakain dahil alam kong masakit sakanya ang nangyare. May ilang days na gusto ko syang tawagan dahil lagi syang active sa messenger pero hindi nya ako minemessage nag aadjust ako kasi alam ko ang pakiramdam ng magulang. Hanggang sa ngayon araw na to na halos buong araw wala syang paramdam. Nag burst na ako ng nararamdaman na kahit man lang sana assurance na wag ako mag alala uuwe ako. Hanggang ngayon nag ooverthink padin ako dahil hindi nya alam kelan sya uuwe dahil gusto nya muna samahan mama nya. Ako mag isa lang din sa buhay wala ng parents kaya ang sakit lang sakit ng nangyayare. Masama po ba ako sa lagay na to? Hindi nadin ako makatulog ng maayos.

2 Replies

based sa kwento mo mi, wala kana man ginawang mali. Walang mali sa pagiging kasal before at pagkakaroon ng anak kaya dun palang i hope wag mo iisipin na may mali sayo. sadyang hindi lang umayon ang tadhana. Nasa partner mo na yan kung sino ba ang priority nya kayo ng magiging anak nyo o yung mga kapatid nyang negative mag isip.. At the end of the day, ang importante ikaw at ang baby mo. Kahit feeling mo ayaw sayo ng lahat lagi mo iisipin na yung baby mo nandyan para sayo at ikaw din present ang mind at heart mo for your baby. Wag kana muna magworry, after all namatayan ang partner mo. Kung hindi ka nya imessage ikaw ang unang mangamusta baka naman naghihintay lang din sya ng dadamay sakanya. Kung deserve at mahala naman kayo ni partner mo e hindi nya kayo papabayaan totally ni baby mo.

una po, focus at gawin nyo po priority baby nyo, anything na ginagawa or kung stressed po kayo could affect your baby. kung maximum of 2weeks magstay sa byanan mo yung partner mo, i think considerable pa, the fact na maselan pag bubuntis mo, dapat maisip din ng partner mo na kailangan mo presence niya . huwag mo nlng isipin bayaw mo.. maganda, kausapin mo partner mo kung meron naman kayo way of communication

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles