Stranger anxiety

Mga mommies baka may experience kayo sa toddler nyo. Ang lo ko kasi is mag 2 yrs old na this november. Normal pa po ba tong ganto? 1. Takot sa tao. Yung mga madalas nya makita, okay naman sya. Pero pag ibang tao or mga madalang nya makita. Takot sya. 2. Ayaw magsuot ng black. Damit or pants/pajama. Minsan naman napipilit sya sa pants. Pero sa damit ayaw nya talaga. Makita nya pa lang na black yung isusuot, nasigaw na. 3. Ayaw magsuot ng costume. Mga superman/spiderman ayaw nya. Takot din sya sa mascot. Kahit yung nakamaskara lang. 4. Takot sya sa mga sabay sabay na nasigaw. Like yung sa mga party. Pag sabay sabay na sigaw. Natatakot sya. Naiyak na sya. Nakapag ask na naman ako sa pedia, okay lang naman daw. Pero di ko kasi natanong lahat. Next month pa kasi balik namin. #anxiety #toddler #toddler2Y #advice

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply