FEEDING BOTTLE

Hi mga mommies! Ask ko lang kung may maire-recommend kayo na feeding bottle. Yung breast like nipple sana, kasing lambot sana ng nipple natin. Nahihirapan kasi ako kay baby gusto ko na siya sanayin sa feeding bottle kaso nga lang ayaw niya talagang dumede dun. Nag aalala ako kasi baka mag trabaho na ako ulit tapos hindi pa rin siya sanay dumede sa bote #3monthsoldbaby #1stimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Avent po na wide neck is breast like nipple pero di sya ganun kalambot kaya minsan nacoconfuse si baby ko. Mas ok po for me ung pigeon na wide neck. Bili ka po muna isa isa para matry nyo po muna sa baby nyo po para macheck kung anu hiyang sa kanya.

1mo ago

Sinubukan ko na yung pigeon. Iniiyakan lang niya o kaya naman tinatawanan lang niya pag good mood siya. Try ko naman yung Avent sa susunod 😊

Same momsh dami ko na biniling Tsupon, ayaw talaga dedein ni baby ko, naiiyak na nga lang ako kasi papasok na ko ng Monday and di pa talaga siya nadede sa feeding bottle. 😭

1mo ago

Yun nga. Sinubukan na namin na gutomin siya tapos saka namin ibibigay yung gatas, pero ayaw talaga niya. Nagwawala lang siya, nakakaawa naman kung mas gugutomin pa kaya ang ending pinapadede ko na lang sa'kin 😅