Colostrum & Breast Pump

Hello mga mommies. Anong week usually lumalabas ang colostrum? May nakikita kasi akong nageextract na kahit po di pa nanganganak. Tapos pwede na bang magpump ahead of delivery? Kasi mga nakikita ko rin po inaabot ng 2-3 days na wala talagang lumalabas na breastmilk kaya napipilitan magformula. Anong week po kayo nagstart magpump based sa experience nyo? Nagtanong po ako sa OB ko ang sabi nya lang kusa daw pong lalabas pagkapanganak. As much as possible gusto ko po sana BF si baby mula paglabas at di makatikim ng formula para di masanay. Ask ko na rin po anong magandang brand ng breast pump na madaling gamitin sa work pagtapos ng maternity leave. First time mom po wag po pagalitan or something hehe pasensya na. Salamat na po agad sa sagotmga mii 😊 #TeamApril #firsttimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ Not recommended po ang magpump before 6 weeks post-partum para maiwasan ang oversupply and mastitis. I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️

Magbasa pa
10mo ago

thanks po😊